Mga dinosauro | |
---|---|
Ang mga kalansay ng ibat ibang mga hindi-ibong dinosauro na ang bawat isa ay mula sa ibat ibang pangkat. Direksiyong-orasan mula itaas na kaliwa ang mga kalansay: isang maninilang theropoda (Tyrannosaurus Rex), isang malaking sauropoda (Diplodocus), may nguso ng pato na ornithopoda (Parasaurolophus), tulad ng ibaong dromaeosaurid (Deinonychus), at sinaunang ceratopsian (Protoceratops), at may platong thyreophora (Stegosaurus). | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Dracohors |
Klado: | Dinosauria Owen, 1842 |
Major groups | |
Ang mga dinosauro (Ingles: dinosaur[1], pangalang pang-agham: Dinosauria) ay mga sinaunang reptilya o bayabag namuhay noong matagal nang panahon ang nakalilipas. Nagmula ang pangalang dinosauro mula sa isang salitang Griyegong nangangahulugang "nakapanghihilakbot na butiki". Naniniwala ang mga dalubhasa sa agham na unang lumitaw ang mga dinosauro noong mga 230 milyong taon na ang nakararaan sa panahong Triassiko at umiral sa loob ng 140 milyong taon. Noong 65 milyong taon sa nakaraan, naglaho ang mga dinosauro dahil sa pagbagsak ng isang asteroid sa mundo na bumago ng klima sa mundo noong ekstinksiyon sa panahong kretaseyoso . Ang ilan sa mga dinosauro ay mga herbiboro at ang ilan ay mga karniboro. Ang mga ibon ay mga inapo ng mga dinosauro na nag-ebolb mula sa mga theropod.
Maraming mga uri ng mga dinosauro. Ngayon, may mga isang daang iba't ibang uri ng dinosaurong nakikilala ang mga siyentipiko. May ilang herbiboro o kumakain ng mga halaman, at mayroong mga karniboro o kumakain ng mga karne. Mga kumakain ng mga halaman ang pinakamalalaking mga dinosauro, katulad ng Apatosaurus at Brachiosaurus. Sila ang pinakamalaking mga hayop na naglakad sa ibabaw ng tuyong lupa.
May mga natatanging mga sandata ang ibang mga dinosaurong kumakaing ng mga halaman, na nakakatulong sa pakikipaglaban nila sa mga dinosaurong kumakain ng mga karne. Katulad ng Triceratops na may tatlong sungay sa mukha. Nababalutan naman ang Ankylosaurus ng mga butong-baluti. At may mga tulis sa buntot ang Stegosaurus. May mainam na diwa sa kanilang mga isip ang mga dalubhasa sa agham kung ano ang itsura ng mga dinosaurong ito dahil sa mga butong natagpuan.
Karamihan sa mga kumakain ng karne ang tumatakbo sa pamamagitan ng kanilang mga panlikod na mga paa. May ilang lubhang napakalalaki, katulad ng Tyrannosaurus, ngunit may ilan din namang maliit, tulad ng Compsognathus. Ang mga mas maliliit na mga kumakain ng karne ang siyang mga naging mga nagbago't naging mga ibon. Isa sa mga unang ibon ang Archaeopteryx, ngunit mas kahawig ito ng isang dinosauro.
Mayroon mga malalaking nakalilipad na mga reptilyang namuhay ding kasabayan ng mga dinosauro, at tinatawag na mga Piterosauro o Pterosaur, ngunit hindi sila malapit na kaugnay ng mga dinosauro o mga ibon. Marami ring mga uri ng mga malalaking reptilyang nakalalangoy, katulad ng mga Ichthyosaur at Plesiosaur, ngunit hindi rin sila kalapit na kamag-anak ng mga dinosauro.