Ang emperador (mula sa Espanyol, na mula naman sa Latin: imperator)[1] ay isang monarko, at kadalasang ang punong soberanya ng isang imperyo o iba pang uri ng imperyong kaharian. Maaring ipahiwatig ng emperatris, ang babeng katumbas, bilang asawa ng emperador (konsorteng emperatris), ina (biyudang emperatris), o isang babae na namumuno mismo (reynanteng emperatris). Pangkalahatang tinuturing ang mga emperador bilang ang pinakamataas na monarkikong karangalan at ranggo, na nilalagpasan ang mga hari. Sa Europa, ginamit ang titulong Emperador simula pa noong Gitnang Panahon, na tinuturing na kapantay sa dignidad sa Papa dahili sa posisyon ng huling nabanggit bilang isang nakikitang pinuno ng Simbahan at pinunong espirituwal ng Katolikong bahagi ng Kanluraning Europa. Ang Emperador ng Hapon ang tanging kasalukuyang namamayaning monarko na may titulong naisasalin sa Ingles bilang "Emperor",[2] habang hindi humahawak ng aktuwal na kapangyarihang pampolitika.[3]