Ang Espesyasyon (Ingles: Speciation) ay isang prosesong ebolusyonaryo kung saan ang mga bagong espesyeng biolohikal ay lumilitaw. Ang biologong si Orator F. Cook ang tila unang nag-imbento ng salitang espesiasyon para sa paghahati ng mga lipi o kladohenesis kesa sa anahanesis o ebolusyong piletiko na nangyayari sa loop ng mga lipi(lineages).[1][2] Kung ang pag-anod na henetiko ay isang maliit o pangunahing taga-ambag sa espesiasyon ay isang paksa ng patuloy na talakayan. May apat na mga modong heograpiko sa kalikasan batay sa sakop kung saan ang mga nag-eespesiyadong populasyon ay naihiwalay mula sa iba pa: espesiasyong allopatriko, espesiasyong peripatriko, espesiasyong parapatriko at espesiasyong simpatriko. Ang espesiasyon ay maaari ring mapukaw ng artipisyal(hindi sa kalikasan) sa pamamagitan ng pagsasaka ng hayop, agrikultura o mga eksperimentong laboratoryo. [3]
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)