Europa Europe | ||
Watawat | ||
---|---|---|
Lawak | 10,180,000 km² (3,930,000 sq mi)o[›] | |
Populasyon | 742,500,000o[›] | |
Kapal ng Populasyon | 73/km² (188/sq mi) | |
Mga Bansa | ca. 50 | |
Demonym | Europeo | |
Wikang Pamilya | Indo-Europeo Finno-Ugric Altaic Basque Semitic North Caucasian | |
Pinakamalaking Lungsod | Istanbul (trans- kontinental na lungsod sa pagitan ng Asia at Europa), Moscow, London, Saint Petersburg, Paris, Madrid, Berlin, Rome, Athens, Kiev | |
Time Zone | UTC (Iceland) to UTC+5 (Russia, MSK+2) |
Ang Europa ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mga Kabundukang Ural at Caucasus, ang Ilog Ural, ang Dagat Caspian, ang Dagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa ang Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at ang Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa politika at kultura ng rehiyon.
Ang Europa, base sa laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na Lungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.
Ang Europa ay isa ring kontinente ng kasaysayan sapagkat ito ang itinuturing na ang lugar na kapanganakan ng kulturang Kanluranin at dito rin lumaki at lumago ang mga makalumang sibilisasyon ng Sinaunang Roma at ng Sinaunang Gresya. May malaking ginanap na papel ang kontinente ng Europa sa kasaysayan na mapapatunayan sa mga pangyayari at mga naganap rito noong mga iba't ibang panahon na nakalipas. Mapapatunayan ito sa mga ika-14 at ika-16 na siglo na ang Europa ay may malaking ginanap sa kolonyalismo ng mga iba't ibang parte ng mundo. Ang Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasentro rin sa Europa. Sa Digmaang Malamig naman, ang Europa ay hinati sa dalawang parte, ang isa na panig sa NATO at isa sa Unyong Sobyet. Sa taong 1991 naman nagawa ang organisasyong Unyong Europeo na naglalayong pagkaisahin ang buong kontinente.