Fauna

Flora at fauna sa La Parguera, Lajas, Puerto Rico

Ang fauna[* 1] ay ang lahat ng mga nabubuhay na hayop sa anumang partikular na rehiyon o kapanahunan. Ang katugmang kataga nito para sa mga halaman ay ang sanghalamanan. Ginagamit ng mga soologo at mga paleontologo ang katawagang ito upang tukuyin ang isang tipikal na kalipunan ng mga hayop na natatagpuan sa isang espesipikong panahon o lugar, halimbawa na ang "sanghayupan sa Disyertong Sonorano o ang "sanghayupan ng namuong putik na Burgesa". Maaari rin itong tumukoy sa isang ibinigay na kabahaging pangkat ng sanghayupan ng isang ibinigay na rehiyon, katulad ng "... ang lunas ng Amasona ay mayroong isang mayamang sanghayupan..."

Ang mga paleontologo ay paminsan-minsang tumutukoy sa isang sunuran ng mga hakbang ng sanghayupan, na isang serye ng mga bato na ang lahat ay naglalaman ng magkakahalintulad na mga kusilba.

Ang katawagan ay nagmula buhat sa Fauna, isang diyosa ng kayabungan (pertilidad) at lupa ng mitolohiyang Romano; o mula sa diyos na Romanong si Faunus, at ang kaugnay na mga espiritung panggubat na tinatawag na mga Faun. Lahat ng tatlong mga salita ay mga may kaugnayan sa Griyegong diyos na si Pan, at ang panis ay ang katumbas na salitang Griyego ng fauna. Ang Fauna ay siya ring salita para sa isang aklat na nagkakatalogo ng mga hayop sa ganitong kaparaanan. Ang kataga ay unang ginamit ni Carolus Linnaeus sa pamagat ng kanyang akdang Fauna Suecica noong 1747.
Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "*", pero walang nakitang <references group="*"/> tag para rito); $2


Fauna

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne