Felidae[1] | |
---|---|
Tiger (Panthera tigris) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Carnivora |
Suborden: | Feliformia |
Pamilya: | Felidae G. Fischer de Waldheim, 1817 |
Subfamilies | |
Felidae ranges |
Ang Felidae ang pamilya ng mga pusa. Ang isang kasapi ng pamilyang ito ay tinatawag na isang felid. Ang pinakapamilyar na felid ang domestikadong pusa(house cat) na unang naugnay sa mga tao mga 10,000 taon ang nakalipas. Ang pamilyang ito ay kinabibilangan rin ng ibang lahat na mga pusang ligaw kabilang ang mga malalaking pusa. Ang mga umiiral na felid ay nabibilang sa isa sa dalawang mga subpamilya: Pantherinae (na kinabibilangan ng mga tigre, leon, jaguar at leopardo) at ang Felinae(na kinabibilangan ng cougar, mga lynx, ocelot at ang domestikong pusa). Ang mga unang felid ay lumitaw sa panahong Oligoseno mga 25 milyong taon ang nakalilipas. Sa mga panahong prehistoriko, may ikatlong subpamilya na tinatawag na Machairodontinae na kinabibilangan ng mga "pusang may ngiping saber" gaya ng mahusay na kilalang Smilodon. Mayroon ding ibang mga superpisyal na tulad ng pusang mga mamalya gaya ng marsupial sabertooth na Thylacosmilus o ang Nimravidae na hindi kabilang sa pamilyang Felidae sa kabila ng pagiging magkamukha. Ang mga felid ay mga pinakastriktong karnibora ng 13 panlupaing mga pamilya sa order na Carnivora bagaman ang tatlong mga pamilya ng pangdagat na mga mamalya na binubuo ng superpamilyang Pinnipedia ay kasing karniboroso ng mga felid.
{{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)
{{cite book}}
: Unknown parameter |coauthors=
ignored (|author=
suggested) (tulong)