Genghis Khan | |
---|---|
Reproduksiyon ng dibuho noong 1278 na kinuha mula sa isang album noong panahong Yuan– Museo ng Pambansang Palasyo, Taipei | |
Panahon | 1206 – Agosto 1227 |
Sumunod |
|
Asawa |
|
Anak |
|
Buong pangalan | |
Temüjin (ᠲᠡᠮᠦᠵᠢᠨ) | |
Lalad | Borjigin |
Ama | Yesugei |
Ina | Hö'elün |
Kapanganakan | c. 1162 Bulubunduking Khentii |
Kamatayan | Agosto 1227 Xingqing, Kanlurang Xia |
Libingan | Hindi alam |
Si Genghis Khan (ipinanganak sa pangalang Temüjin; c. 1162 – Agosto 1227), kilala rin bilang Chinggis Khan, ay ang nagtatag at unang khan ng Imperyong Monggol. Matapos gugulin ang halos buong buhay niya sa pag-iisa sa mga tribong Monggol, naglunsad siya ng serye ng mga kampanyang militar, at sinakop ang malaking bahagi ng Tsina at Gitnang Asya.
Pormal na inangkin ni Temüjin ang titulong "Genghis Khan" na may di-tiyak na kahulugan, sa isang pagpupulong noong 1206. Sa pagsasagawa ng mga reporma upang matiyak ang pangmatagalang katatagan, binago niya ang istraktura ng tribo ng mga Monggol na maging meritokrasiya na nakatuon sa paglilingkod sa naghaharing pamilya. Matapos hadlangan ang kudetang sinubukan ng isang makapangyarihang shaman, sinimulan ni Genghis na patatagin ang kanyang kapangyarihan. Noong 1209, pinangunahan niya ang malawakang pagsalakay sa karatig na Kanlurang Xia na sumang-ayon sa mga tuntunin ng Monggol sa sumunod na taon. Pagkatapos, naglunsad siya ng kampanya laban sa dinastiyang Jin, na tumagal ng apat na taon at nagwakas noong 1215 nang makuha ang kabisera ng Jin na Zhongdu. Sinakop ng kanyang heneral na si Jebe ang estado ng Qara Khitai sa Gitnang Asya noong 1218. Naudyukan si Genghis na salakayin ang Imperyong Khwarazmia nang sumunod na taon sa pamamagitan ng pagbitay sa kanyang mga sugo. Ang kampanya ay nagpabagsak sa estado ng Khwarazmia at nagwasak sa mga rehiyon ng Transoxiana at Khorasan, habang pinangunahan ni Jebe at ang kanyang kasamahan na si Subutai sa isang ekspedisyon na umabot sa Georgia at Kievan Rus'. Noong 1227, namatay si Genghis habang sinusupil ang rebeldeng Kanlurang Xia. Kasunod ng dalawang taong interegno, lumuklok sa trono noong 1229 ang kanyang ikatlong anak na lalaki at tagapagmana na si Ögedei.
Nananatiling kontrobersiyal si Genghis Khan. Siya ay naging mapagbigay at napakatapat sa kanyang mga tagasunod, ngunit walang awa sa kanyang mga kaaway. Tinanggap niya ang payo mula sa mga iba't ibang tao sa kanyang hangarin para mangibabaw sa mundo, na pinaniwalaan niyang itinalaga siya ni Tengri, ang pinakamataas na deidad ng mga shaman. Sa ilalim ni Genghis, pumatay ng milyun-milyong tao ang hukbong Monggol, nagdulot din ang kanyang mga pananakop ng wala pang katulad na pagpapalitan ng komersyo at kultura sa napakalawak na heograpikal na pook. Sa Rusya at mundong Arabe, naaalala siya bilang atrasado at malupit na maniniil, habang nagsisimulang suriin muli ng kamakailangang Kanluraning iskolarsip ang dati nitong pagtingin sa kanya bilang barbarong kumander. Nang pagkamatay, ginawang bathala siya sa Monggolya; kjinikilala siya ng mga modernong Monggol bilang tagapagtatag ng kanilang bansa.