Gitnang Asya

Gitnang Asya
Sukat4,003,451 km2 (1,545,741 mi kuw)
Populasyon74,338,950 (2020) (ika-16)[1]
Densidad ng populasyon17.43 katao / km2 (6.73 katao / mi2)
GDP (PPP)$1.0 trilyon (2019)[2]
GDP (nominal)$300 bilyon (2019)[2]
GDP kada kapita$4,000 (2019; nominal)[2]
$14,000 (2019; PPP)[2]
HDIIncrease0.779 (mataas)
Pantawagtaga-Gitnang Asya
Gitnang Asyano
Mga bansa
Mga wikaBuryat, Kalmyk, Karakalpak, Kazakh, Kyrgyz, Mongol, Ruso, Tajik, Turkmen, Uyghur, Uzbek, at iba pa
Mga sona ng oras
Internet TLD.kg, .kz, .tj, .tm, .uz
Kodigo sa pagtawagSona 9 maliban sa Kasakistan (Sona 7)
Mga malalaking lungsod
UN M49 code143 – Gitnang Asya
142Asya
001Mundo
a Kabilang lang ang mga may populasyon naa lagpas 500,000 katao.

Gitnang Asya ang rehiyon ng Asya mula sa silangang baybayin ng Dagat Kaspiyo hanggang sa kanlurang bahagi ng Tsina at Mongolia, at mula sa katimugang bahagi ng Rusya hanggang Iran at Apganistan sa timog.[3] Sa kasalukuyang depenisyon ng rehiyon, kinabibilangan nito ang mga dating republika ng Unyong Sobyet na Kasakistan, Kirgistan, Tayikistan, Turkmenistan, at Usbekistan, bagamat sinasama rin ang Apganistan ng ilang depenisyon.[3][4] Kilala rin ang rehiyon sa impormal na tawag nito na mga stan dahil sa pagkakaroon ng mga pangalan ng mga bansang nandito ng hulaping Persyano na nangangahulugang "lupain [ng mga]".[4] Sa kasaysayan, ang naturang lugar ay kilala naman sa tawag na Turkestan at Turan.

Daanan ang Gitnang Asya para sa mga kultura at sibilisasyon ng Europa at Asya simula pa noon. Binabagtas ng Daang Sutla ang rehiyon upang makarating ang mga Europeo sa Asya at mga Asyano sa Europa.[4] Dahil dito, naging isa sa mga mahahalagang sentro ng kalakalan ang rehiyon sa malaking bahagi ng kasaysayan. Maraming lahi at kultura ang umusbong at yumabong sa lugar, partikular na ang lahing Irani at kalaunan, ang lahing Turkiko. Pagsapit ng ika-19 na siglo, naging dominante sa lugar ang mga Ruso at Eslabo dahil sa paglaki ng Imperyong Ruso at noong sumunod na siglo, ang Unyong Sobyet. Sa ngayon, mga Europeo ang dominanteng lahi ng tao na naninirahan sa lugar.[3] Dahil naman sa mga patakaran noong panahon ni Joseph Stalin, may malaki-laki ring populasyon ng mga Koreano sa rehiyon.[5] Noong 2020, ang limang bansang nasa loob nito ay may kabuuang populasyon na aabot ng 74 milyong katao.[1]

  1. 1.0 1.1 "Population of Central Asia (2019 and historical)" [Populasyon ng Gitnang Asya (2019 at historikal)]. Worldometers (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "International Monetary Fund: 5. Report for Selected Countries and Subjects" [Pandaigdigang Pondong Pananalapi: 5. Ulat para sa mga Piling Bansa at Paksa]. imf.org (sa wikang Ingles). IMF. Outlook Database, Oktubre 2019
  3. 3.0 3.1 3.2 "Central Asia" [Gitnang Asya]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Berglee, Royal. "8.7 Central Asia and Afghanistan" [8.7 Gitnang Asya at Apganistan] (sa wikang Ingles). University of Minnesota. Nakuha noong 5 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Iakupbaeva, Zukhra (28 Agosto 2019). "Central Asia's Koreans in Korea: There and (Mostly) Back Again" [Mga Koreano ng Gitnang Asya sa Korea: Doon at (Madalas) Balik Uli]. Open Democracy (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Gitnang Asya

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne