Globalisasyon

Ang globalisasyon (Kastila: globalización; Ingles: globalization; globalisation) ay isang pandaigdigang sistema na naglalarawan sa pakikipag-ugnayan at mga pagbabagong nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya, gobyerno, at bansa sa buong mundo. Tumutukoy ito sa paraang pagdaloy ng impormasyon, produkto, serbisyo at kapital sa pagitan ng pandaigdigang lipunan. Sa ganitong paraan kumakalat at nagiging global ang mga lokal o pambansang mga gawi. Ang globalisasyon ay maaari ring tumukoy sa mga larangan ng ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura.[1]

Ayon kay George Ritzer, isang akademiko at sosyolohista, ang globalisasyon ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.[2][3] Sa kasalukuyang panahon, mas napapabilis ng teknolohiya at mga ipinapatupad na patakaran ang sistemang ito.

Bagaman maraming mga iskolar ang nagtataya na ang mga pinagmulan ng globalisasyon ay naganap sa modernong panahon, ang iba ay nakabatay sa kasaysayan bago pa man ang Europeong Panahon ng Pagtuklas at paglalakbay sa Bagong Mundo. Ang ilan ay hanggang sa ikatlong milenyo BC.[4] Ang katagang 'globalisasyon' ay unang lumitaw noong unang bahagi ng ika-20 siglo (kasunod na humalili sa naunang terminong Pranses na mondialization). Nabuo ang kasalukuyang kahulugan nito noong ikalawang bahagi ng ika-20 siglo, at naging tanyag na ginamit noong dekada 1990. Ang malakihang epekto ng globalisasyon ay nagsimula noong dekada 1820 hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, mabilis na napalawig ang koneksyon ng ekonomiya at kultura sa mundo.[5] Ang mabilis na pag-kalat ng hangin ay ang pag-gawa ng lupa

  1. Sheila L. Croucher. Globalization and Belonging: The Politics of Identity a Changing World. Rowman & Littlefield. (2004). p.10
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-31. Nakuha noong 2021-01-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  3. "Archive copy" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2021-04-07. Nakuha noong 2021-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  4. Frank, Andre Gunder. (1998). ReOrient: Global economy in the Asian age.Berkeley: University of California Press. ISBN 978-0-520-21474-3
  5. Babones, Salvatore (2008). "Studying Globalization: Methodological Issues". In Ritzer, George (ed.). The Blackwell Companion to Globalization. Malden: John Wiley & Sons. p. 146. ISBN 978-0-470-76642-2. OCLC 232611725.

Globalisasyon

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne