Ang Hajj (Arabe: حج Ḥaǧǧ) ay ang pamamakay sa Mecca (Makkah), na tinuturing banal ng mga Muslim. Ito ang pinakamalaking taunang pamamakay sa buong mundo[1], at ikalimang haligi ng Islam, isang obligasyon na kailangang gampanan kahit minsan sa buong buhay ng walang kapansanang Muslim na may-kaya. Tinatawag na Hadji, na nangangahulugang peregino o namamakay, ang sinumang makapaglalakbay patungong Mecca. Pagpapakita ng katatagan ng mga Muslim at kanilang pagtalima kay Allah (Diyos) ang Hajj.[2]