Herodoto

Herodotus
Istatwa ni Herodotus
Kapanganakantinatayang 484 BC
Halicarnassus, Asya Menor
Kamatayantinatayang 425 BC
Thurii, Magna Græcia
TrabahoMananalaysay

Si Herodotus ng Halicarnassus ay isang mananalaysay na Griyego na namuhay noong ika-5 dantaong BC at itinuring ni Cicero bilang "Ama ng Kasaysayan."[1] Siya rin ang itinuturing bilang "Unang Mananalaysay ng Mundo." Kinikilala si Herodotus bilang manunulat ng The Histories, kung saan inilahad niya ang paglawak ng Imperyong Persa (Persian) sa ilalim nina Cyrus na Dakila, Cambyses, at Darius na Dakila, at maging ang pananalakay ni Xerxes noong 480 BC na nagtapos sa mga digmaan sa Salamis, Plataea, at Mycale.[2] Inilarawan rin dito ang pagtutunggali ng mga Persa (Persian) at mga Griyego noon panahong iyon.[1]

  1. 1.0 1.1 Bune, Matt. "Herodotus" (sa wikang Ingles). Minnesota State University Mankato e-Museum. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2008. Nakuha noong 17 Abril 2008.
  2. Lendering, Jona. "Herodotus of Halicarnassus" (sa wikang Ingles). Livius.org. Nakuha noong 13 Abril 2008.

Herodoto

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne