Ang isang himpilan ng tren, estasyon ng tren, estasyon ng riles, o depot (mula sa kastila estación de tren) ay isang pasilidad ng tren o lugar kung saan ang mga tren ay regular na tumitigil upang maisakay ang mga pasahero o kargamento o pareho. Sa pangkalahatan, binubuo ito ng hindi bababa sa isang platomormang nasa tabi ng riles at isang gusali ng estasyon (depot) na nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng pagbenta ng tiket, silid-hintayan, at serbisyong pambagahe/pangkargamento. Kung ang isang estasyon ay nasa isang linya ng solong riles, madalas itong mayroong ikutang dinadaanan upang mapadali ang paggalaw ng trapiko. Ang pinakamaliit na estasyon ay madalas na tinutukoy bilang "himpil" o "hinto" (tinatawag din na flag stop sa ilang bahagi ng sanlibutan).
Ang mga estasyon ay maaaring kapantay ng lupa, nasa ilalim ng lupa, o nakataas. Maaaring makuha ang mga koneksyon sa mga linya ng riles ng tren o iba pang mga paraan ng transportasyon tulad ng mga bus, tram o iba pang mga mabilis na sistema ng pagbiyahe.