Hinduismo

Isang artikulong nauugnay sa
Hinduismo

Ang Hinduismo ay isang nananaig na relihiyon[1][2] ng subkontinenteng Indiano. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo, Śrauta at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibilangan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyong mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay isang konglomerasyon ng natatanging mga pananaw na intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang hanay ng mga paniniwala.[3]

Ang Hinduismo ay nabuo sa mga iba't ibang tradisyon at walang isang tagapagtatag.[4] Kabilang sa mga direktang ugat nito ang historikal na relihiyong Vediko ng Indiang Panahong Bakal at sa gayon, ang Hinduismo ay kadalasang tinatawag na "pinakamatandang nabubuhay na relihiyon"[5] sa mundo.[1][6][7][8]

Ang isang klasipikasyong ortodokso ng mga tekstong Hindu ay hatiin sa mga tekstong Śruti ("nahayag") at Smriti ("naalala"). Ang mga tekstong ito ay tumatalakay sa teolohiyang Hindu, pilosopiyang Hindu, mitolohiyang Hindu, mga ritwal, mga templong Hindu at iba pa. Ang mga pangunahing kasulatang relihiyoso ng Hindu ay kinabibilangan ng mga Veda, Upanishad, Purāṇas, Mahābhārata, Rāmāyaṇa, Bhagavad Gītā at Āgamas.

Ang Hinduismo na may mga isang bilyong mga tagasunod ang ikatlong pinakamalaking relihiyon sa buong mundo pagkatapos ng Kristiyanismo at Islam.

  1. 1.0 1.1 Merriam-Webster's Collegiate Encyclopedia, Merriam-Webster, 2000, p. 751
  2. Hinduism is variously defined as a "religion", "set of religious beliefs and practices", "religious tradition" etc. For a discussion on the topic, see: "Establishing the boundaries" in Gavin Flood (2003), pp. 1-17. René Guénon in his Introduction to the Study of the Hindu Doctrines (1921 ed.), Sophia Perennis, ISBN 0-900588-74-8, proposes a definition of the term "religion" and a discussion of its relevance (or lack of) to Hindu doctrines (part II, chapter 4, p. 58).
  3. Georgis, Faris (2010). Alone in Unity: Torments of an Iraqi God-Seeker in North America. Dorrance Publishing. p. 62. ISBN 1-4349-0951-4.
  4. Osborne 2005, p. 9
  5. D. S. Sarma, Kenneth W. Morgan, The Religion of the Hindus, 1953
  6. Laderman, Gary (2003), Religion and American Cultures: An Encyclopedia of Traditions, Diversity, and Popular Expressions, Santa Barbara, Calif: ABC-CLIO, p. 119, ISBN 1-57607-238-X, world's oldest living civilization and religion
  7. Turner, Jeffrey S. (1996), Encyclopedia of relationships across the lifespan, Westport, Conn: Greenwood Press, p. 359, ISBN 0-313-29576-X, It is also recognized as the oldest major religion in the world
  8. Klostermaier 1994, p. 1

Hinduismo

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne