Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Mayo 2021)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Hokkien | |
---|---|
Quanzhang, Fukien, Fookien | |
福建话/閩南語(泉漳片) Hō-ló-oē/Hô-ló-uē | |
Katutubo sa | Tsina, Taiwan, Hong Kong, Pilipinas, Kambodya, Malaysia, Indonesya, Singgapura, Brunei, Taylandya, Estados Unidos, at iba pang lugar na pinanirhan ng Hoklo |
Rehiyon | katimugan ng lalawigan ng Fujian at iba pang timog-silangang dalampasigang lugar ng Tsina, Taiwan, Timog-Silangang Asya |
Pangkat-etniko | Hoklo (Isang pangkat ng Tsinong Han) |
Mga diyalekto | |
Opisyal na katayuan | |
Wala (Isa sa mga wikang estatuaryo (ayon sa batas) para sa mga paalalang pampublikong sakayan ng Republika ng Tsina[1]) | |
Pinapamahalaan ng | Wala |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | – |
Glottolog | hokk1242 fuki1235 |
Pagkakakalat-kalat mga wikain ng Min Nan. Naka-mariing luntian ang Hokkien. | |
Hokkien | |||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tradisyunal na Tsino | 福建話 | ||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 福建话 | ||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||
Alternatibong pangalang Tsino | |||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 福佬話 | ||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 福佬话 | ||||||||||||||||||||||||||
|
Ang Hokkien /hɒˈkiɛn/ (Tsinong tradisyonal: 福建話; Tsinong pinapayak: 福建话; pinyin: Fújiànhuà; Pe̍h-ōe-jī: Hok-kiàn oē) o Quanzhang (Quanzhou–Zhangzhou / Chinchew–Changchew; BP: Zuánziū–Ziāngziū) ay isang pangkat ng mga mutwal na intelihibleng wikain ng Min Nan na ginagamit sa Taiwan, Timog-Silangang Asya, at sa ibang lugar na pinaninirhan ng mga Tsinong inmigrante at ng mga kaapu-apuhan nila. Nagmula ang Hokkien mula sa wikain ng timog silangan ng Fujian. Baga ma't malapit man ito sa Wikang Teochew, ngunit lubhang mahirap ang mutwal na pagkakaunawaan, at medyo kahawig nito ang Hainanes. Bukod sa mismong Hokkien, mayroon pang mga wikain ang Min sa Fujian na hindi mutwal na intelihible sa Hokkien.