Hokkien Pilipino | |
---|---|
Fookien; Fukien | |
Lân-lâng-oé; 咱儂話 | |
Katutubo sa | Pilipinas, Kanada, Tsina, Taiwan, Estados Unidos |
Rehiyon | Kalakhang Manila, Angeles, Cebu, Bacolod, Vigan, Naga, Ilagan, Lungsod ng Davao, Iloilo, Zamboanga, at iba pang mga komunidad sa Pilipinas na mayroong mga menoridad na Tsino. |
Mga natibong tagapagsalita | (590,000 ang nasipi 1982)[1] (98.7% ng lahat ng mga may lahing Tsino sa Pilipinas) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | – |
Glottolog | Wala |
Ang Hokkien Pilipino (Tsino: 咱儂話; Pe̍h-ōe-jī: Lán-lâng-ōe; ang aming pangmadlang wika), na payak na tinatawag Hokkien (Lan Lang o Lan Nang) sa Pilipinas, ay isang wikaing Hokkien ng Min Nan na ginagamit ng halos 98.7% ng mga etnikong Tsino sa Pilipinas. Ang Hokaglish ay isang wikang “kontakto oral” (o sa Ingles, oral contact). Pinaghahalo nito ang Hokkien Pilipino, Tagalog at Ingles. May pagkakatulad ang Hokaglish sa Taglish (halo-halong Tagalog at Ingles), ang pang-araw-araw na mesolektong rehistro ng wikang Filipino sa Kalakhang Maynila at mga paligid.