Ideolohiya

Ang ideolohiya ay isang hanay ng mga paniniwala o pilosopiya na iniuugnay sa isang tao o pangkat ng mga tao, lalo na ang mga pinanghahawakan para sa mga kadahilanang hindi purong epistemiko,[1][2] kung saan "kasing prominente ng mga praktikal na elemento ang mga teoretikal". Dating pangunahing inilapat sa mga teorya at patakarang pang-ekonomiya, pampulitika, o relihiyon, sa isang tradisyong mababakas kina Karl Marx at Friedrich Engels, itinuturing ng mas kamakailang paggamit ng katawagan bilang pangunahing nagtutuligsa o kondenatoryo.[3] Nilikha ang katawagan ni Antoine Destutt de Tracy, isang aristokrata at pilosopo ng Kaliwagang Pranses, na inisip ito noong 1796 bilang "agham ng mga ideya" upang bumuo ng isang makatuwirang sistema ng mga ideya upang tutulan ang hindi makatuwiran na mga simbuyo ng mandurumog. Sa agham pampulitika, ginagamit ang katawagan sa isang naglalarawang kahulugan upang tukuyin ang mga sistema ng paniniwalang pampulitika.[3]

  1. Honderich, Ted (1995). The Oxford Companion to Philosophy (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 392. ISBN 978-0-19-866132-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "ideology". Lexico (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 van Dijk, T. A. (2006). "Politics, Ideology, and Discourse" (PDF). Discourse in Society (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2011-07-08. Nakuha noong 2019-01-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Ideolohiya

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne