Milenyo: | ika-1 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 900 dekada 910 dekada 920 dekada 930 dekada 940 dekada 950 dekada 960 dekada 970 dekada 980 dekada 990 |
Ang ika-10 siglo ay ang panahon mula 901 hanggang 1000 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano, at ang huling siglo ng unang milenyo.
Sa panahong ito sa Tsina, naitatag ang dinastiyang Song. Nakaranas ang mundong Muslim ng isang pangkalinangang taluktok, lalo na sa al-Andalus sa ilalim ng Kalipato ng Córdoba at sa [[Imperyong Samanid] sa ilalim ng Ismail Samani. Karagdagan dito, nagkaroon ng ng pangkalinangang pagyabong ng Imperyong Bisantino ang ng Unang Imperyong Bulagaryo.
Sinabi ng medibiyalista at dalubhasa sa kasaysayan ng teknolohiya na si Lynn White na "sa makabagong mata, ito ang halos na pinakamadilim sa Panahong Madilim," ngunit nagkaroon ng konklusyon na ". . . kung naging madilim ito, nasa sinapupunan ang kadiliman."[1] Sa kaparehong opinyon, sinulat ni Helen Waddell na ang ikasampung siglo ay na kung saan "nasa pagtatalo ng aklat-aralin kasama ang ikapito sa masamang karangalan, ang pinakamababang lugar ng talino ng tao."[2] Noong ika-15 dantaon, isinalarawan ni Lorenzo Valla ang ika-11 siglo bilang ang Dantaon ng Tingga at Bakal at sa kalaunan, sinabi ni Kardinal Baronius]] ito bilang ang Tininggang Siglo o Bakal na Siglo.