Ilhanato ایل خانان Ил Хаант Улс | ||
---|---|---|
dating bansa | ||
| ||
Bansa | Padron:Country data Imperyong Monggol | |
Itinatag | 1256 (Huliyano) | |
Binuwag | 1335 | |
Ipinangalan kay (sa) | Hulagu Khan | |
Kabisera | Maragheh, Tabriz, Soltaniyeh | |
Pamahalaan | ||
• Uri | monarkiya | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 3.75 km2 (1.45 milya kuwadrado) | |
Wika | Wikang Persa, Wikang Monggol, Wikang Arabe |
Ang Ilkanato, binabaybay din bilang Il-kanato (Persa: ایلخانان, Ilxānān), kilala sa mga Mongol bilang Hülegü Ulus (Mongol: Хүлэгийн улс, ᠬᠦᠯᠦᠭ ᠦᠨ
ᠤᠯᠤᠰ, Hu’legīn Uls)[1] ay isang kanato na itinatag mula sa timog-kanlurang sektor ng Imperyong Mongol, na pinagharian ng Mongol sa pamamagitan ng Bahay ni Hulagu. Namana ni Hulagu Khan, ang anak ni Tolui at apo ni Genghis Khan, ang Gitnang Silangang bahagi ng Imperyong Mongol pagkatapos mamatay ng kanyang kapatid na si Möngke Khan noong 1260. Matatagpuan ang pangunahing teritoryo nito sa bahagi ng mga lugar na kilala na ngayon bilang Iran, Azerbaijan, at Turkey. Sa pinakamalawak na lawak nito, kabilang din sa Ilkanato ang mga bahagi ng makabagong Iraq, Armenia, Georgia, Afghanistan, Turkmenistan, Pakistan, bahagi ng makabagong Dagestan, at bahagi ng makabagong Tajikistan. Nag-Islam ang mga sumunod na mga nagharing Ilkanato, simula kay Ghazan noong 1295. Noong dekada 1330, nawasak ang Ilkhanato ng Salot na Itim. Namatay ang huling kan o khan na si Abu Sa'id noong 1335, pagkatapos noon, gumuho ang kanato.