Imperyong Akemenida Khshassa[1]
| |||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
550 BCE–330 BCE | |||||||||||||||||||||||
Watawat ni Dakilang Ciro | |||||||||||||||||||||||
Kabisera | Babilonya[2] (pangunahing kabisera), Pasargadae, Ecbatana, Susa, Persepolis | ||||||||||||||||||||||
Karaniwang wika | Lumang Persa[a] Imperyal na Arameo[b] Babilonyo[3] Medo Sinaunang Griyego[4] Elamita Sumeryo[c] | ||||||||||||||||||||||
Relihiyon | Zoroastrianismo, Relihiyong Babilonyo[5] | ||||||||||||||||||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||||||||||||||||||
Hari (xšāyaϑiya) o Hari ng mga Hari (xšāyaϑiya xšāyaϑiyānām) | |||||||||||||||||||||||
• 559–529 BCE | Dakilang Ciro | ||||||||||||||||||||||
• 336–330 BCE | Dario III ng Persiya | ||||||||||||||||||||||
Panahon | Klasikal na antikidad | ||||||||||||||||||||||
550 BCE | |||||||||||||||||||||||
547 BCE | |||||||||||||||||||||||
539 BCE | |||||||||||||||||||||||
525 BCE | |||||||||||||||||||||||
499–449 BCE | |||||||||||||||||||||||
343 BCE | |||||||||||||||||||||||
330 BCE | |||||||||||||||||||||||
Lawak | |||||||||||||||||||||||
500 BK[6][7] | 5,500,000 km2 (2,100,000 mi kuw) | ||||||||||||||||||||||
Populasyon | |||||||||||||||||||||||
• 500 BCE[8] | 17 milyon hanggang 35 milyon | ||||||||||||||||||||||
Salapi | Daric, siglos | ||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||
a. ^ Katutubong wika. b. ^ Opisyal na wika at lingua franca.[9] c. ^ Wikang pampanitikan sa Babilonya. |
Ang Imperyong Akemenida o Achaemenida Empire (mula sa Luman Persa na Haxāmanišiya,[10] c. 550–330 BCE), tinatawag ding Ang Unang Imperyong Persiyano,[11] ay isang imperyo sa Kanlurang Asya, na itinatag ni Cirong Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito na ang lawak ay mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ay naging isa ito sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, na sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa alin mang nakaraang imperyo sa kasaysayan. Bantog ito sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at sa paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at sa isang malaking propesyonal na hukbo at sa mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.[12] Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persiyano at sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, na isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo.
Nang ika-7 siglo BCE, ang mga Persiyano ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis,[13] na naging kanilang sentro.[14] Mula sa rehiyong ito, sumulong si Cirong Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay inaakala na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pag-aaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Dakilang Alejandro noong 334 BCE.[14] Ang palagay na ito, gayun pa man, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailan man lumapit sa pagpapahina ng imperyo.[14] Si Alejandro, na malaking tagahanga ni Cirong Dakila, ay kalaunang sumakop sa imperyo sa kabuuan nito noong 330 BCE.[15] Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo noong imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Kalaunan ay makakabawi ng kapangyarihan yaong Persiyanong populasyon sa gitnang talampas sa ikalawang siglo BCE sa ilalim ng Imperyong Parto.[14]
Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay hindi lamang humangga sa teritoryal at militar na impluwensya nito kundi pati din sa impluwensyang kultura, panlipunan, teknolohikal at relihiyon. Maraming mga Ateniense ang tumaglay ng mga kaugaliang Akemenida sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang pagpapalitan ng impluwensiya ng kultura,[16] na ang ilan ay inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.
Although the Persians and Medes shared domination and others were placed in important positions, the Achaemenids did not -- could not -- provide a name for their multinational state. Nevertheless, they referred to it as Khshassa, "the Empire".
{{cite book}}
: |first1=
has generic name (tulong)
Of the four residences of the Achaemenids named by Herodotus — Ecbatana, Pasargadae or Persepolis, Susa and Babylon — the last [situated in Iraq] was maintained as their most important capital, the fixed winter quarters, the central office of bureaucracy, exchanged only in the heat of summer for some cool spot in the highlands. Under the Seleucids and the Parthians the site of the Mesopotamian capital moved a little to the north on the Tigris — to Seleucia and Ctesiphon. It is indeed symbolic that these new foundations were built from the bricks of ancient Babylon, just as later Baghdad, a little further upstream, was built out of the ruins of the Sassanian double city of Seleucia-Ctesiphon.
{{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)
Cyrus the Great, founder of the First Persian Empire (c. 550–330 BC).