Imperyong Inka Tawantinsuyu (Quechua)
| |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1438–1533 | |||||||||||||
Katayuan | Imperyo | ||||||||||||
Kabisera | Cusco (1438–1533) | ||||||||||||
Karaniwang wika | Quechua (opisyal), Aymara, Puquina, pamilya ng Jaqi, Muchik at ilan pang mas maliliit na wika. | ||||||||||||
Relihiyon | Relihiyong Inca | ||||||||||||
Pamahalaan | Banal, ganap na monarkiya | ||||||||||||
Sapa Inca | |||||||||||||
• 1438–1471 | Pachacuti | ||||||||||||
• 1471–1493 | Túpac Inca Yupanqui | ||||||||||||
• 1493–1527 | Huayna Capac | ||||||||||||
• 1527–1532 | Huáscar | ||||||||||||
• 1532–1533 | Atahualpa | ||||||||||||
Panahon | Bago-Kolumbiyanong kapanahunan | ||||||||||||
• Pagbuo ng Tawantinsuyu ni Pachacuti | 1438 | ||||||||||||
1529–1532 | |||||||||||||
• Pananakop ng mga Espanyol na pinangunahan ni Francisco Pizarro | 1533 | ||||||||||||
• Pagtatapos ng huling paglaban ng Inca | 1572 | ||||||||||||
Lawak | |||||||||||||
1527 | 2,000,000 km2 (770,000 mi kuw) | ||||||||||||
Populasyon | |||||||||||||
• 1527 | 10000000 | ||||||||||||
| |||||||||||||
Bahagi ngayon ng | Argentina Bolivia Chile Colombia Ecuador Peru |
Ang Imperyong Inka (Quechua: Tawantinsuyu, lit. "Ang Apat na Rehiyon"[2]), kilala rin bilang ang Imperyong Inkano, ay ang pinakamalaking imperyo sa bago-Kolumbiyanong Amerika,[3] at maaaring ang pinakamalaking imperyo sa mundo noong maagang ika-16 na siglo.[4] Ang pampulitika at administratibong istraktura nito ay "ang pinaka-sopistikadong matatagpuan sa mga katutubong tao" sa mga Amerika.[5] Ang sentro ng administratibo, pampulitika at militar ng imperyo ay matatagpuan sa Cusco sa modernong Peru. Ang kabihasnang Inca ay lumitaw mula sa kabundukan ng Peru noong unang bahagi ng ika-13 siglo. Ang huling kuta nito ay sinakop ng mga Espanyol noong 1572.
Mula 1438 hanggang 1533, isinama ng mga Inca ang malaking bahagi ng kanlurang Timog Amerika, na nakasentro sa mga Bulubunduking Andeo, gamit ang pananakop at mapayapang pag-iimpluwensya, bukod sa iba pang mga pamamaraan. Sa pinakamalaki nito, ang imperyo ay sumali sa Peru, sa malaking bahagi ng modernong Ecuador, sa kanluran at timog gitnang Bolivia, sa hilagang-kanluran Argentina, sa hilaga at sentral Chile at sa maliit na bahagi ng timog-kanlurang Colombia, sa isang estado na maihahambing sa mga makasaysayang imperyo ng Eurasya. Ang opisyal na wika nito ay Quechua.[6]
Maraming mga lokal na paraan ng pagsamba ang nagpatuloy sa imperyo, karamihan sa mga ito ay tungkol sa mga lokal na banal na mga Huaca, ngunit hinimok ng pamunuan ng Inca ang pagsamba kay Inti - ang kanilang diyos ng araw - at ipinataw ang kapangyarihan nito sa ibang mga kulto tulad ng sa Pachamama.[7] Itinuring ng mga Inca ang kanilang hari, ang Sapa Inca, bilang ang "anak ng araw."[8]
Ang Imperyong Inca ay kakaiba dahil wala itong maraming mga tampok na nauugnay sa kabihasnan sa Lumang Mundo. Sa mga salita ng isang iskolar, "Walang ang mga Inca ng kulang sa paggamit ng may gulong na sasakyan. Wala silang mga hayop na masasakyan o mapapagtrabaho upang humila ng mga karwahe at mga araro...[Sila] ay walang kaalaman sa bakal at asero...Higit sa lahat, wala silang sistema ng pagsulat...Sa kabila ng mga di-kaya at mga kakulangan nila, ang mga Inca ay nakapagtayo pa rin ng isa sa mga pinakadakilang estadong imperyal sa kasaysayan ng tao."[9]
Ang mga kahanga-hangang katangian ng Imperyong Inca ay kinabibilangan ng monumental na arkitektura nito, lalo na ang pag-aakma ng bato, malawak na kabalagan ng kalsada na umaabot sa lahat ng sulok ng imperyo, makinis na mga tela, paggamit ng mga nakabuhol na tali (quipu) para sa pagtala at komunikasyon, mga pagbabago sa pagsasaka sa mahirap na kapaligiran, at ang organisasyon at pangangasiwa na ipinataw sa mga tao at sa kanilang paggawa.
Ang ekonomiya ng Inca ay inilarawan sa mga nagkakasalungat na paraan ng mga iskolar: bilang "pyudal, alipin, sosyalista (dito ay maaaring pumili sa pagitan ng sosyalistang paraiso o sosyalistang paniniil)".[10] Ang Imperyong Inca ay umiral ng walang pera at walang mga pamilihan. Sa halip, ang pagpapalitan ng mga kalakal at paglilingkod ay batay sa pagtutumbas sa pagitan ng mga indibidwal at sa mga indibidwal, pangkat, at namumunong Inca. Ang "mga buwis" ay binubuo ng obligasyong ng pagtatrabaho ng isang tao sa Imperyo. Ang mga tagapamahala ng Inca (na panteorya ay nag-aari ng lahat ng paraan ng produksyon) ay sumasagot sa pamamagitan ng pagpapagamit sa lupa at mga kalakal at pagbibigay ng pagkain at inumin sa mga pandiriwang handaan para sa kanilang mga pinamumunuan.[11]
{{citation}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)