Imperyong Romano

Imperyong Romano
Imperium Romanum
Βασιλεία Ῥωμαίων
27 BK–1453 AD
Vexilloid at ang tatak-imperyo (imperial insignia) ng Imperyong Romano
Vexilloid at ang tatak-imperyo (imperial insignia)
Salawikain: Senatus Populusque Romanus (SPQR)   (Latin)
"Ang Senado at ang Sambayanang Romano"
Ang Imperyong Romano sa pinakamalawak na sakop sa pamamahala ni Trajan noong 117 AD
Ang Imperyong Romano sa pinakamalawak na sakop sa pamamahala ni Trajan noong 117 AD
KatayuanImperyo
KabiseraRoma ang nag-iisang kabisera hanggang AD 286.
Sa pamamahala ng Tetrarchy nagkaroon ng maraming pampolitika na kabisera, habang ang Roma parin ang tinuring na kabisera ng imperyo.
Sa pamamahala ni Constantine dalawa ang kabisera, Roma at Constantinopla.
Ang kanlurang pamahalaan ay lumipat sa Ravenna pagkatapos ng ilang taon.
Karaniwang wikaLatin, Griyego
Relihiyon
Romanong kulto imperyal
(to 380)

Kristiyanismo
(from 380)
PamahalaanAutokrasya,
Diktadoryal
Emperador 
• 27 BC – AD 14
Augustus
• 379 – 395
Theodosius I
• 1449 — 1453
Constantine XI
Konsul 
LehislaturaSenadong Romano
PanahonKlasikong antikwidad
• Labanan sa Actium
2 Setyembre 31 BC
• Octavian pinoroklama Augustus
27 BK
• Diocletian hinati ang administrasyon sa Kanluran at Silangan
285
• Constatine ang Dakila itinayo ang Constantinople bilang bagong kabisera
330
• Kamatayan ni Theodosius ang Dakila, kasunod ang permanenteng paghati sa imperyo sa kanluran at silangan
395
1453 AD
• Pagbagsak ng Trebizond
1461
Lawak
25 BC[1][2]2,750,000 km2 (1,060,000 mi kuw)
50[1]4,200,000 km2 (1,600,000 mi kuw)
117[1]5,000,000 km2 (1,900,000 mi kuw)
390 [1]4,400,000 km2 (1,700,000 mi kuw)
Populasyon
• 25 BC[1][2]
56800000
• 117[1]
88000000
SalapiQuadrans, Semis, As, Dupondius, Quinarius, Sestertius, Denaryo, Aureus, Solido
Pinalitan
Pumalit
Republikang Romano
Silangang Imperyong Romano
Kanlurang Imperyong Romano
* Ang mga kaganapan naitala ay ukol sa Kanlurang Imperyo Romano (286 – 476)[3] at ng Silangang Imperyo Romano (330 – 1453), respectively.

Ang Imperyo ng mga Romano (Ingles: Roman Empire) (Latin: Imperium Romanum) ang tawag sa imperyalistang paghahari ng mga Romano sa malaking bahagi ng Europa, Asya at Hilagang Aprika, na may autokratikong porma ng pamahalaan.[4] Sumunod ang Panahon ng Imperyong Romano sa 500-taong Republika Romana (510 BC – siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ng mga heneral katulad ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni Julio Cesar (Julius Caesar) laban kay Pompey. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang habang-buhay diktador o Diktador Perpetuidad (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio (na tagapagmana ni Caesar), sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng Senadong Romano kay Octavio ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).

Ang katagang Imperium Romanum (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano. Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa Inglatera at Galia (Francia ngayon); sa halos buong Europa (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang Aprika, kasama ang katabing lalawigan ng Ehipto, sa mga lugar ng mga Balkans, sa Dagat Itim, sa Asya Menor at halos buo ng Levante. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Portugal, Espanya, Inglatera at Francia, Italya, Albania, at Gresya (Greece), ang mga Balkanos, Turquia, at mga bahagi ng silangan at timog Alemania; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan: ang kasalukyang Siria, Libano, Israel, Jordan at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang Libya, Tunisia, Algeria at Morocco, hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng Gibraltar. Romano ang tawag ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano. Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador Trajano sa pananakop nito ng Dacia (i.e., ng kasalukuyang Romania at Moldova) gayundin ang ilang bahagi ng Hungary, Bulgaria at Ukraine noong AD 106, at ng Mesopotamia noong 116 (na sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong Romano ang may 5,900,000 km² (2,300,000 milya kwadrado) ng lupa at nakapaloob na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare nostrum"—Latin ng “aming dagat”. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang impluwensiyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon, gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno nito.

Minsang inilalagay ang wakas ng Imperyong Romano sa ika-4 ng Setyembre 476 AD nang pinatalsik ang 14-taong gulang na emperador ng Kanlurang Imperyong Romano na si Romulus Augustulus na hindi na napalitan. Subalit, si Diocleciano na nagretiro noong AD 305, ang nag-iisang huling Emperador ng di-nahahating Imperyo o Klasikal na Imperyong Romano kung saan ang kabisera ay ang Lungsod ng Roma. Matapos hatiin ni Diocleciano bilang Silangan at Kanlurang bahagi ang Imperyo, nagpatuloy ang bawat sanga na may kanyang istilo ng “Imperyong Romano”. Humupa at bumagsak ang Imperyong Romano ng Kanluran sa pagdaan ng ika-5 siglo. Ang Silangang Imperyong Romano, na nakatahan sa Nova Roma (na ibinunsad ni Constantino I sa Griyegong lungsod ng Bizancio) at nang lumaon Griyego ang naging pangunahing wika nito na kilala ngayong bilang Imperyong Bizantino at nagpanatili sa mga batas at kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at pagsakop ng Constantinople (Istanbul ngayon), ang naging pangalan ng lungsod ni Constantino, sa mga kamay ng Imperyong Ottoman noong 1453.

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D." Social Science History. 3 (3/4): 125. doi:10.2307/1170959. {{cite journal}}: Check |first= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. John D. Durand, Historical Estimates of World Population: An Evaluation, 1977, pp. 253-296.
  3. "Roman Empire -- Britannica Online Encyclopedia". www.britannica.com. Nakuha noong 2008-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Roman Empire," Microsoft Encarta Online Encyclopedia 2008

Imperyong Romano

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne