Si Nur-ud-din Muhammad Salim[1] (Persa: نورالدین محمد سلیم), kilala sa kanyang pangalang imperyal na Jahangir (Persa: جهانگیر) (31 Agosto 1569 – 28 Oktubre 1627),[2] ay ang ikaapat na Emperador ng Imperyong Mughal, na naghari mula 1605 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1627. Nangangahulugan ang kanyang pangalang Imperyal (sa Persa) bilang 'mananakop ng mundo' (Jahan: mundo; gir: ang salitang-ugat ng pandiwang Persa na gereftan: sakupin, samsamin).