John F. Kennedy | |
---|---|
Ika-35 Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto 20 Enero 1961 – 22 Nobyembre 1963 | |
Pangalawang Pangulo | Lyndon B. Johnson |
Nakaraang sinundan | Dwight D. Eisenhower |
Sinundan ni | Lyndon B. Johnson |
Senador ng Estados Unidos mula Massachusetts | |
Nasa puwesto 3 Enero 1953 – 22 Disyembre 1960 | |
Nakaraang sinundan | Henry Cabot Lodge |
Sinundan ni | Benjamin Smith |
Kasapi ng Estados Unidos na Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Massachusetts na 11th (na) distrito | |
Nasa puwesto 3 Enero 1947 – 3 Enero 1953 | |
Nakaraang sinundan | James Curler |
Sinundan ni | Tip O'Neill |
Personal na detalye | |
Isinilang | John Fitzgerald Kennedy 29 Mayo 1917 Brookline, Massachusetts, Estados Unidos |
Yumao | 22 Nobyembre 1963 Dallas, Texas, Estados Unidos |
Dahilan ng pagkamatay | Pinatay ni Lee Harvey Oswald |
Partidong pampolitika | Demokrata |
Asawa | Jacqueline Bouvier |
Anak | Arabella (1956-1956) Caroline (1957) John Jr. (1960-1999) Patrick (1963-1963) |
Alma mater | Kolehiyo ng Harvard |
Propesyon | politiko |
Pirma |
Si John Fitzgerald Kennedy (29 Mayo 1917 – 22 Nobyembre 1963) o mas kilala bilang JFK, ay ang ika-35 pangulo ng Estados Unidos mula 1961 hanggang sa kanyang pagkamatay noong 1963.
Matapos manilbihan sa militar bilang komander ng Motor Torpedo Boats PT-109 at PT-59 noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa timog Pasipiko, siya ay nahalal bilang kongresman sa ika-11 distrito ng Massachusetts sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos ng Partido Demokrata mula 1947 hanggang 1953. Pagkatapos ay naging senador mula naman noong 1953 hanggang 1960. Tinalo naman niya sa pagkapangulo ang kasalukuyang pangalawang pangulo na si Richard Nixon noong 1960. Siya ang pinakabatang nahalal sa naturang posisyon. Siya rin ang ikalawang pinakabatang naging pangulo ng Estados Unidos (pagkatapos ni Theodore Roosevelt). At ang unang taong isinilang sa ika-20 siglo na naging Pangulo. Siya lamang ang Katolikong pangulo at tanging pangulo na nanalo sa Pulitzer Prize.
Pinatay siya sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo noong 22 Nobyembre 1963 sa Dallas, Texas ni Lee Harvey Oswald. Makalipas ang dalawang araw binaril ni Jack Ruby si Oswald na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito. Sa kasalukuyan, si Kennedy ay patuloy na napapabilang sa mataas na ranggo sa mga opinyon ng publico tungkol sa kung sino ang pinakagusto nila sa dating mga Pangulo ng Estados Unidos.