Ang kaluluwa ay tumutukoy sa espiritu o ispirito (Kastila: espíritu) ng tao o isang nilalang. Binabaybay din itong kalulwa (may isang titik na u lang subalit mas pormal ang may dalawang u na kaluluwa) at maaaring tumukoy sa mismong nilalang o tao. Tinatawag din itong katao.[1] Itinuturing din itong katumbas ng mga salitang hilagyo, multo, bibit, pangitain, Diyos, sentro, ubod, kalangitan, modelo, huwaran, pagsasakatao (katulad na sa isang katangian), katauhan, at pinuno; maging para sa isang taong pinanggagalingan ng inspirasyon; at pati sa mismong damdamin ng tao.[2] Sa kagamitan sa Ingles, tumutukoy din ang soul sa bagay na may kaugnayan sa mga Negro o pang-taong maitim ang balat[2], partikular na ang sa tugtugin o awiting kilala bilang musikang Soul.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), tingnan sa soul Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..