Ang kamandag o beneno ay ang sustansiyang nakakalason na nagmumula sa ahas, alakdan, kulisap, at iba pang mga hayop. Iba-iba ang hitsura ng kamandag, pati na ang kabuoan o timplada ng mga sangkap nito at epekto sa katawan ng tao, subalit palaging asido ito at may kalikasang masaligutgot o kumplikado.[1]