Ang Kanang asensiyon o right ascension (pinapaikli bilang RA; may simbulong α) ay isang terminong astronomikal para sa isa sa dalawang koordinado ng mga punto sa panlangit na timbulog kung gagamitin ang sistemang ekwatoryal ng mga koordinado. Deklinasyon ang isa pang koordinado.