Ang kapakanang pampubliko, kapakanang pangmadla, o kapakanang pambalana (Ingles: public welfare) ay ang tulong na pampubliko, maaaring panandalian, o gawaing pangkawanggawa[1] na natatanggap ng isang tao o mga tao na hindi makapaghanapbuhay upang kumita ng salapi, anuman ang dahilan. Dahil sa ganitong kalagayan, dito pumapasok ang pamamagitan at pagtulong ng mga programang pangtulong na pampubliko ng pamahalaan at serbisyong panlipunan (mga palingkurang panlipunan). Kabilang sa mga suliraning nilulunasan ng mga programang pangkapakanang pampubliko ang kawalan ng pagkain, kawalan ng matutuluyan at matutulugan, at kawalan ng pangangalagang pangkalusugan. Mayroong dalawang tungkulin ang tulong na pangmadla:
Samakatuwid, ang pinagtutuunan ng pansin ng kapakanang pampubliko, kilala rin bilang gawaing pangkapakanan o sistemang pangkapakanan ay ang kapakanan[3] o kabutihan, prosperidad (kasaganaan), at pagsulong ng buhay o kabuhayan ng mga indibiduwal at ng mga mag-anak.[1]