Ang Karagatang Pasipiko (mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang dagat, na iginawad ng manggagalugad na Portuges na si Fernando Magallanes sa korona ng Espanya) ay ang pinakamalaki at pinamalalim sa limang hatian ng karagatan sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng Lupa at may sukat na 165.25 milyon km² (63.8 milyon milya kwadrado). Umaabot ito ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa Dagat Bering sa Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng Dagat Ross ng Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, nakalatag ito sa mga 19,800 km (12,300 mi) mula Indonesia hanggang sa baybayin ng Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinakamababang dako sa mundo sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko na nasa 10,928 metro (35,853 tal) mababa sa pantay dagat.
Naglalaman ang Karagatang Pasipiko ng mga 25,000 pulo (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong pinagsamang mga karagatan sa mundo; silipin: Mga Isla ng Pasipiko). Marami rito ay matatagpuan sa timog ng ekwador. Maraming laot ang nasa kanlurang baybayin ng Pasipiko. Pinamalalaki rito ang Dagat Selebes, Dagat Korales, Dagat Timog Tsina, Dagat Silangang Tsina, Dagat Hapon, Dagat Luzon, Dagat Sulu, Dagat Tasman at Dagat Dilaw. Ang Kipot ng Malaka ay sumasama sa Pasipiko at ang Karagatang Indiyo sa kanluran at ang Kipot ng Magallanes ang nagkakabit sa Pasipiko sa Karagatang Atlantiko sa silangan. Sa timog, ang Kipot ng Bering ang nagkakabit sa Pasipiko sa Karagatang Artiko.
Ang manunuklas na Portuges na si Ferdinand Magellan ang nagpangalan sa karagatan dahil sa napansin niyang kalmadong tubig nito at naging mapayapa ang kanyang paglalayag mula Kipot ni Magallanes hanggang Pilipinas. Subalit, hindi laging mapaya ang Pasipiko. Maraming bagyo at unos (o hurricane) ang tumatama sa mga pulo nito. Ang mga lupain din sa paligid ng Pasipiko ay puno ng mga bulkan at kadalasang niyayanig ng lindol. Dulot naman ng lindol sa ilalim ng tubig ang tsunami na nakapagpawasak na ng maraming pulo at nakapagpabura ng maraming bayan nito.
Ang tsunami (daluyong), na dulot ng lindol sa ilalim ng tubig, ay nagdulot ng kapahamakan sa maraming mga pulo na gumunaw sa buong kabayanan.