Kretasiko

Cretaceous
~145.0 – 66.0 milyong taon ang nakakalipas
Mundo noong panahong Cretaceous ca. 90 milyong taon ang nakakalipas
Kronolohiya
Etimolohiya
PormalFormal
Impormasyon sa paggamit
Celestial bodyEarth
Paggamit panrehiyonGlobal (ICS)
Ginamit na iskala ng panahonICS Time Scale
Kahulugan
Yunit kronolohikalPeriod
Yunit stratigrapikoSystem
Pormal na time spanFormal
Kahulugan ng mababang hanggananNot formally defined
Lower boundary definition candidates
Lower boundary GSSP candidate section(s)None
Upper boundary definitionIridium-enriched layer associated with a major meteorite impact and subsequent K-Pg extinction event
Upper boundary GSSPEl Kef Section, El Kef, Tunisia
36°09′13″N 8°38′55″E / 36.1537°N 8.6486°E / 36.1537; 8.6486
GSSP ratified1991

Ang Cretaceous (bigkas /krë-tay-shës/, Kastila: Cretácico, Cretáceo) ,na hinango mula sa Latin na "creta" (chalk, na karaniwang pinaikling K para sa saling Aleman nitong Kreide (chalk) ay isang panahong heolohiko mula 145 milyong taon ang nakalilipas hanggang 66 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay sumusunod sa panahong Hurasiko at sinundan ng panahong Paleoheno. Ito ang huling panahong ng era na Mesosoiko at sumasaklaw sa 80 milyong mga taon na pinakamahabang panahon ng era na Phanerozoic. Ito ay isang panahon ng relatibong mainit na klima na nagresulta sa isang mataas na mga lebel ng dagat na eustatiko at lumikha ng maraming mga mababaw na mga dagat na panloob ng lupain. Ang mga karagatan at dagat na ito ay napuno ng ngayong ekstinto na mga reptilyang pang-dagat, mga ammonita, at mga rudista samantalang ang mga dinosauro ay nagpatuloy na manaig sa lupain. Sa parehong panahon, ang mga bagong pangkat ng mga mamalya at mga ibon gayundin ang mga namumulaklak na mga halaman ay lumitaw. Ang Cretaceous ay nagwakas sa isang malaking ekstinsiyong pang-masa na pangyayaring ekstinsiyong na Cretaceous-Paleoheene kung saan ang maraming mga pangkat kabilang ang mga hindi-ibon na dinosauro, mga pterosaur at malalaking mga reptilyang pang-dagat ay namatay. Ang huli nang Cretaceous ay inilalarawan ng hangganang K-Pg na isang lagdang heolohiko na nauugnay sa ekstinskiyong pang-masa na nasa pagitan ng mga era na Mesosoiko at Cenozoic.

  1. International Commission on Stratigraphy. "ICS - Chart/Time Scale". www.stratigraphy.org.

Kretasiko

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne