Kubo

Isang bahay kubo ng mga T'boli.
Isang klase ng modernong kubo na ginawa sa Bulacan.

Ang bahay kubo (Ingles: nipa hut) o kubo ay isang tradisyonal na bahay sa Pilipinas. Kinikilala ang bahay kubo bilang pambansang bahay ng Pilipinas. Ito ay gawa sa lokal na mga materyales, ang dingding nito ay kadalasang gawa sa kawayan, kahoy, kogon o pawid at ang bubong sa dahon ng nipa o anahaw.[1] Angkop ito laban sa hangin at ulan, dahil magaan ito at kung masira man ay madaling palitan.

Ang bahay kubo ay ang kauna-unahang bahay ng mga katutubong Pilipino bago dumating ang mga Espanyol. Madalas na makikita ito sa bukirin ng may iba't-ibang disenyo ng arkitektura ayon sa nais ng iba't-ibang kultura sa bansa.

Napapasailalim ang bahay kubo sa arkitekturang Austronesyo. Ito ang dahilan kung bakit mayroon ring ibang bersyon ng bahay kubo na matatagpuan sa karatig bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, Palau, at ang Mga Pulo ng Pasipiko.

  1. "Bahay kubo, Glossary of Filipino Terms and Phrases". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.(sa Ingles)

Kubo

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne