Lagos Èkó | ||
---|---|---|
Metropolis | ||
Lagos Metropolitan Area (Ìlú Èkó (Yoruba)) | ||
![]() Panoramang urbano ng Lagos | ||
| ||
Palayaw: | ||
Bansag: Èkó ò ní bàjé o! | ||
![]() Kinaroroonan ng Lagos sa loob ng Estado ng Lagos | ||
Mga koordinado: 6°27′18″N 3°23′03″E / 6.455027°N 3.384082°E | ||
Bansa | ![]() | |
Estado | Lagos | |
(Mga) LGA[note 1] | Talaan ng mga LGA
| |
Tinirahan | Ika-15 na dantaon | |
Nagtatág | Sub-pangkat na mga Awori ng mga Yoruba[5] | |
Pamahalaan | ||
• Oba | Rilwan Akiolu I | |
Lawak | ||
• Metropolis | 1,171.28 km2 (452.23 milya kuwadrado) | |
• Lupa | 999.6 km2 (385.9 milya kuwadrado) | |
• Tubig | 171.68 km2 (66.29 milya kuwadrado) | |
• Urban | 907 km2 (350 milya kuwadrado) | |
• Metro | 2,706.7 km2 (1,045.1 milya kuwadrado) | |
Taas | 41 m (135 tal) | |
Populasyon (Senso 2006)[note 2] | ||
• Metropolis | 6,048,430 | |
• Taya (Pagtataya ng LASG noong 2012) | 16,060,303[8] | |
• Ranggo | Pang-1 | |
• Kapal | 6,871/km2 (17,800/milya kuwadrado) | |
• Urban | 13,123,000[7] | |
• Densidad sa urban | 14,469/km2 (37,470/milya kuwadrado) | |
• Metro | 21,000,000 (pagtataya)[6] | |
• Densidad sa metro | 7,759/km2 (20,100/milya kuwadrado) | |
Demonym | Lagosian | |
GDP | ||
Sona ng oras | UTC+1 (WAT (UTC+1)) | |
Kodigo ng lugar | 010[10] | |
Klima | Aw | |
|
Ang Lagos ( /ˈleɪɡɒs/;[11] Yoruba: Èkó) ay isang lungsod sa estado ng Lagos, Nigeria. Kasama ang karugtong nitong conurbation,ang lungsod ay ang pinakamatao sa Nigeria at sa kontinente ng Aprika. Isa ito sa pinakamabilis na lumalagong lungsod sa mundo[12][13][14][15][16][17][18] at isa sa pinakamataong mga pook urbano.[19][20] Ang Lagos ay isang pangunahing sentro ng pananalapi sa Aprika; ang megacity ay may pang-apat na pinakamataas na GDP sa Aprika[21][4] at naririto ang isa sa pinakamalaki at pinakamaabalang mga pantalang pandagat sa kontinente.[22][23][24]
Unang lumitaw ang Lagos bilang isang pantalang lungsod na nagsimula sa isang kumpól ng mga pulo, na nakapaloob sa kasalukuyang mga pook ng lokal na pamahalan (mga LGA) ng Pulo ng Lagos, Eti-Osa, Amuwo-Odofin at Apapa. Ang mga pulo ay hinihiwalay ng mga sapa na nakagilid sa timog-kanlurang bunganga ng Danaw ng Lagos, habang nakaprotekta ito mula sa Karagatang Atlantiko sa pamamagitan ng mga pulong barrera at ng mahabang mga sand spit tulad ng Bar Beach na umaabot nang 100 kilometro (62 milya) sa silangan at sa kanluran ng bunganga. Dahil sa mabilis na urbanisasyon, lumawak ang lungsod pakanluran ng danaw upang masama ang mga lugar sa kasalukuyang Kalupaang Lagos, Ajeromi-Ifelodun at Surulere. Nagbunga ito sa klasipikasyon ng Lagos sa dalawang pangunahing mga lugar: ang Island na unang lungsod ng Lagos bago lumawak ito sa pook na kilala bilang Mainland.[25] Ang lugar ng lungsod na ito ay tuwirang pinamamahalaan ng Pamahalaang Pederal sa pamamagitan ng Konsehong Panlungsod ng Lagos, hanggang sa itinatag ang Estado ng Lagos noong 1967 na nagbunga sa paghihiwalay ng lungsod ng Lagos sa kasalukuyang pitong mga Pook ng Lokal na Pamahalaan o Local Government Areas (LGAs), at ang pagdagdag ng ibang mga bayan (na ngayon ay bumubuo sa 13 mga LGA) mula sa noo'y Western Region, upang mabuo ang estado.[26]
Ang Lagos na pederal na kabisera ng Nigeria mula nang sinama nito noong 1914 ay naging kabisera ng Estado ng Lagos pagkaraan ng pagtatag nito. Ngunit ang pang-estadong kabisera ay inilipat sa Ikeja noong 1976, at sa Abuja naman ang pederal na kabisera noong 1991. Kahit na malawakang tinutukoy pa ring isang "lungsod" ang Lagos, ang kasalukuyang Lagos na kilala rin bilang "Kalakhang Lagos" at opisyal na "Kalakhang Pook ng Lagos" (Ingles: Lagos Metropolitan Area)[27][28][29] ay isang aglomerasyong urbano o conurbation,[30] na binubuo ng 20 mga LGA, 32 mga LCDA kasama ang Ikeja na kabisera ng estado ng Lagos.[4][31] Bumubuo lamang ang conurbation sa 37% ng kabuuang lawak ng lupa ng estado, ngunit tinitirhan ng humigit-kumulang na 85% ng kabuuang populasyon ng estado.[4][26][32]
Pinagtatalunan ang eksaktong bilang ng populasyon ng Kalakhang Lagos. Ayon sa datos ng pederal na senso noong 2006, ang conurbation ay may kabuuang populasyon ng humigit-kumulang 8 milyong katao.[33] Subalit pinagtalunan ito ng Pamahalaang Estado ng Lagos na naglabas ng sarili nitong datos ng populasyon paglaon. Ayon dito, nasa humigit-kumulang 16 milyong katao ang populasyon ng Lagos.[note 3] Magmula noong 2015, inilalagay ng hindi opisyal na mga bilang ang populasyon ng "Malawakang Kalakhang Lagos" (Ingles: Greater Metropolitan Lagos), na kinabibilangan ng Lagos at nakapalibot nitong kalakhang pook na umaabot sa malayong dako sa Estado ng Ogun, sa humigit-kumulang 21 milyong katao.[3][26][34][35]
{{cite news}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite book}}
: Unknown parameter |agency=
ignored (tulong)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/>
tag para rito); $2