Ang laro ay isang uri ng paglalarong may estraktura, kadalasang ginagawa para sa libangan o kasiyahan, at ginagamit minsan bilang kagamitang pang-edukasyon.[1] Itinuturing ding trabaho ang maraming laro (gaya ng mga propesyonal na manlalaro ng palakasan o larong pinapanood) o sining (gaya ng mga palaisipang jigsaw [o rompekabesas] o larong may kinalaman sa artistikong paglalatag gaya ng Mahjong, solitaryo, o ilang larong bidyo).
Nilalaro lamang minsan ang mga laro para sa kasiyahan, minsan para sa tagumpay o gantimpala rin. Maaari silang laruin nang mag-isa, sa mga koponan, o online; ng mga amateur (o baguhan) o ng mga propesyonal. Maaaring may madla o manonood ang mga manlalaro na hindi maglalaro, gaya ng kapag naaaliw ang mga tao sa panonood ng isang kampeonato ng ahedres. Sa kabilang banda, maaaring bumuo ng kanilang sariling madla ang mga manlalaro sa isang laro habang pumipili sila sa paglalaro. Kadalasan, bahagi ng libangan para sa mga batang naglalaro ng isang laro ang pagpapasya kung sino ang bahagi ng kanilang madla at kung sino ang isang manlalaro. Hindi pareho ang laruan at laro. Karaniwang nagbibigay-daan ang mga laruan sa walang limitasyong paglalaro samantalang nagpapakita ang mga laro nagpapakita ng mga panuntunan para sundin ng manlalaro.
Ang mga pangunahing bahagi ng mga laro ay mga layunin, panuntunan, hamon, at pakikipag-ugnayan. Karaniwang may kasamang mental o pisikal na pagpapasigla, at kadalasan pareho ang mga laro. Maraming laro ang tumutulong sa pagbuo ng mga praktikal na kasanayan, na nagsisilbing isang paraan ng ehersisyo, o kung hindi man ay gumaganap ng isang pang-edukasyon, pang-simulasyon, o sikolohikal na tungkulin.
Pinatunayan noong 2600 BC,[2][3] ang mga laro ay isang unibersal na bahagi ng karanasan ng tao at naroroon sa lahat ng kalinangan. Ang Pangharing Laro ng Ur, Senet, at Mancala ay ilan sa mga pinakalumang kilalang laro.[4]