Leipzig Leibz'sch (Upper Saxon) | |||
---|---|---|---|
Paikot pakanan mula sa itaas: Palengke ng Leipzig kasama ang Lumang Munisipyo, Monumento sa Labanan ng mga Bansa, Bagong Munisipyo (Leipzig)Bagong Munisipyo at Simbahan ng Santo Tomas, Punong Estasyon ng Leipzig at Wintergarten mataas na Bulwagan ng Tela (Gewandhaus) bulwagang pangkonsiyerto at Puwente ng Mende, Federal na Korteng Pampangasiwaan | |||
| |||
Mga koordinado: 51°20′24″N 12°22′30″E / 51.34000°N 12.37500°E | |||
Bansa | Alemanya | ||
Estado | Saxony | ||
District | Urban district | ||
Pamahalaan | |||
• Lord mayor (2020–27) | Burkhard Jung[1] (SPD) | ||
Lawak | |||
• Lungsod | 297.36 km2 (114.81 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (31 Disyembre 2023) | |||
• Lungsod | 619,879 | ||
• Kapal | 2,100/km2 (5,400/milya kuwadrado) | ||
• Metro | 1,001,220 (LUZ)[2] | ||
Sona ng oras | UTC+01:00 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+02:00 (CEST) | ||
Postal codes | 04001–04357 | ||
Dialling codes | 0341 | ||
Plaka ng sasakyan | L | ||
Websayt | leipzig.de |
Ang Leipzig ( /ˈlaɪpsɪɡ,_ʔsɪk,_ʔsɪx/ LYPE-sig-,_--sik(h),[3][4][5][6] Aleman: [ˈlaɪptsɪç] ( pakinggan); Mataas na Sahon: Leibz'sch) ay ang pinakamataong lungsod sa estadong Aleman ng Sahonya. Ang populasyon ng Leipzig na 605,407 na naninirahan (1.1 milyon[7] sa mas malaking urbanong sona) noong 2021[8][9] ay naglalagay sa lungsod bilang ikawalong pinakamataong populasyon sa Alemanya,[10][11] pati na rin ang pangalawang pinakamataong lungsod sa lugar ng dating Silangang Alemanya pagkatapos ng (Silangang) Berlin. Kasama ng Halle (Saale), ang lungsod ay bumubuo ng polycentrikong Konurbasyong Leipzig-Halle. Sa pagitan ng dalawang lungsod (sa Schkeuditz) ay matatagpuan ang Paliparang Leipzig/Halle.
Matatagpuan ang Leipzig mga 160 km (100 mi) timog-kanluran ng Berlin, sa pinakatimog na bahagi ng Hilagang Kapatagang Aleman (kilala bilang Look ng Leipzig), sa pinagtagpo ng Ilog Puting Elster (daloy: Saale→Elbe→Dagat Hilaga) at dalawa sa mga tributaryo nito: ang Pleiße at ang Parthe. Ang pangalan ng lungsod at ng marami sa mga boro nito ay nagmula sa Eslabong pinagmulan.
Germany Leipzig Metropolitan area DE008 843,619