Ang lindol o teremoto ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nang-gagaling sa ilalim ng lupa. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa.
Ang lindol (kilala rin bilang quake, tremor, or temblor sa wikang Ingles) ay ang pagyanig ng ibabaw ng Earth na bunga ng biglaang pag-release ng enerhiya mula sa lithosphere (pinakataas na layer ng planeta ayon sa mekanikal na katangian nito) ng Earth. Ang mga lindol ay mayroong magkakaibang intensidad. Maaaring umabot ang intensidad ng iba't-ibang lindol mula sa mga lubos na mahina na hindi nararamdaman hanggang sa bayolenteng lindol na nakapagpapagalaw at hagis ng mga gamit at tao sa ere, nakapipinsala ng malalaking imprastuktura, at nakapagdudulot ng kapahamakan sa magkabilang mga lungsod. Ang tinatawag na seismic activity ng isang lugar ay ang dalas, uri, at laki ng mga lindol na naganap dito sa loob ng isang partikular na panahon. Ang seismicity naman ng isang partikular na lokasyon sa ilalim ng Earth ay ang average na rate ng seismic energy release (enerhiyang napapakawalan sa pagyanig) sa kada yunit ng volume. Ang salitang tremor ay ginagamit din upang tumukoy sa pagyanig na hindi dulot ng lindol.