Lungsod ng Cavite City of Cavite | |
---|---|
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Cavite | |
Mga koordinado: 14°29′N 120°54′E / 14.48°N 120.9°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Kabite |
Distrito | Unang Distrito ng Cavite |
Mga barangay | 84 (alamin) |
Ganap na Lungsod | 7 Setyembre 1940 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Bernardo Paredes |
• Manghalalal | 71,003 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 10.89 km2 (4.20 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 100,674 |
• Kapal | 9,200/km2 (24,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 27,473 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-4 na klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 12.71% (2021)[2] |
• Kita | (2022) |
• Aset | (2022) |
• Pananagutan | (2022) |
• Paggasta | (2022) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 4100, 4101, 4125 |
PSGC | 042105000 |
Kodigong pantawag | 46 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | Wikang Chavacano wikang Tagalog |
Websayt | cavitecity.gov.ph |
Ang Lungsod ng Cavite ay isa sa pitong lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ang Lungsod Cavite ay ang kabisera ng Lalawigan ng Cavite bago ito ilipat sa Lungsod ng Trece Martires noong 1954. Ang makasaysayang isla ng Corregidor at ang ibang batuhan at pulo sa bunganga ng Look ng Maynila ay napasasailalim sa pamumunong lokal ng Lungsod. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 100,674 sa may 27,473 na kabahayan.
Matatagpuan ang lungsod 35 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ang bayan ng Noveleta ay nasa timog ng lungsod. Nasa isang hugis-kawit na tangway sa bandang hilaga ng lalawigan, pinaliligiran ang lungsod ng tatlong look, ang Look Maynila sa kanluran, ang Look ng Bacoor sa timog-silangan at ang Look Cañacao sa hilagang-silangan. Ang lungsod ay nahahati sa limang distrito: Dalahican, Santa Cruz, Caridad, San Antonio, and San Roque. Ang mga distritong ito ay nahahati pa sa walong (8) sona na may kabuuang walumpu't apat (84) na barangay. Ang Base Militar ng Sangley Point ay nasa lungsod at makikita sa pinakahilagang bahagi ng tangway. Nagsilbi itong base militar ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, at ngayon ito ay ginagamit ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.