Estado ng Lungsod ng Vaticano | |
---|---|
Wikang opisyal | Italyano • Latin |
Pamahalaan | Unitaryong Kristiyanong estadong monarkiyang ganap sa ilalim ng isang eklesyastikong elektibong teokrasya |
Banal na Luklukan | |
Francisco | |
Pietro Parolin | |
Fernando Vérgez Alzaga | |
Lehislatura | Komisyong Pontipisyo |
Kasarinlan mula sa Italya | |
11 Pebrero 1929 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 0.49 km2 (0.19 mi kuw) (ika-195) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2019 | 453 (ika-240) |
• Densidad | 924/km2 (2,393.1/mi kuw) (ika-12) |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +379 |
Kodigo sa ISO 3166 | VA |
Internet TLD | .va |
Websayt https://www.vaticanstate.va/ |
Ang Lungsod ng Vaticano[1] (Italyano: Città del Vaticano; Latin: Civitas Vaticana), opisyal na Estado ng Lungsod ng Vaticano (Italyano: Stato della Città del Vaticano; Latin: Status Civitatis Vaticanae), ay isang enklabe at lungsod-estadong may kasarinlan na napapaligiran ng Roma, ang kabisera ng Italya. Inilalarawan ito bilang isang natatanging teritoryo sa ilalim ng "buong pagmamay-ari, eksklusibong dominyo, at soberanong awtoridad at hurisdiksyon" ng Banal na Luklukan, na siya'y isang soberanong entidad ng pandaigdigang batas na nagpapanatili ng kasarinlang temporal, diplomatiko, at espirituwal ng estado-lungsod. Ito ang pinakamaliit na estado sa mundo ayon sa lugar at populasyon, na mayroong lawak na 49 ektarya lamang at populasyon na humigit-kumulang 825 na tao. Ang mga pinakamataas na punsyonaryo ng estado ay pawang mga klerong Katoliko ng iba't-ibang bansang pinagmulan. Bilang pinamamahalaan ng Banal na Luklukan, ang estado ay isang eklesyastiko o saterdotal-monarkikong estado na pinamumunuan ng papa, ang siyang obispo ng Roma at pinuno ng Simbahang Katoliko. Dahil dito, maaari itong ituring na ang tanging teokrasya at huling monarkiyang ganap sa Europa. Ang Kataas-taasang Pontisipe ay nagtatalaga ng mga tungkulin ng pamahalaan sa Kalihim ng Estado. Pagkatapos ng Papadong Abinyon ay pangunahing nanirahan ang mga papa sa Palasyong Apostoliko sa loob ng lungsod.
Ang Banal na Luklukan ay itinayo noong Unang Kristiyanismo at ang pangunahing luklukang episkopal ng Simbahang Katoliko, na mayroong humigit-kumulang 1.329 bilyong nabautismuhang Kristiyanong Katoliko sa mundo noong 2018 sa Simbahang Latino at 23 Silangang Simbahang Katoliko. Sa kabilang banda, ang estado ng Lungsod ng Vaticano ay nagsimulang umiral noong Pebrero 11, 1929 sa pamamagitan ng Paktong Lateran sa pagitan ng Banal na Luklukan at Italya, na binanggit ito bilang isang bagong likha, hindi bilang isang bakas ng mas malaking Estados Pontifisyos, na dating sumasaklaw sa karamihan ng gitnang Italya.
Sa loob ng Lungsod ng Vaticano ay mga kultural at relihiyosong lugar tulad ng Basilika ni San Pedro, Kapilya Sistina, at mga Museong Vaticano, lahat ay tumatampok ng ilan sa mga pinakasikat at pinakamagandang pintura at eskultura sa mundo. Ang arkitektural, makasaysayan, at masining na konporma na bumubuo sa Vaticano ay idineklara bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1984. Saklaw ng Basilika ni San Pedro at ng Plaza ni San Pedro ang 20% ng teritoryo ng lungsod, samakatuwid ginagawa ang estado na pinakaurbanisadong teritoryong may kasarinlan sa mundo. Ang natatanging ekonomiya ng estado ay pampananalaping sinusuportahan sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga mananampalataya sa mga bayarin para sa pagpasok sa mga museo at pagbenta ng mga selyo, subenir, at publikasyon.