Lupa

Lupa

Ang lupa ay isang pangkalahatang kataga para sa materyal na nasa ibabaw ng daigdig, sumusuporta sa paglago ng mga halaman at nagsisilbing tirahan para sa buhay ng mga hayop mula sa pinakamaliit na mga mikroorganismo hanggang sa maliliit na hayop.

Mahalaga ang lupa sa lahat ng buhay sa mundo dahit sinusuporta nito ang paglago ng mga halaman, na nagbibigay ng pagkain at oksihena at hinihigop ang diyoksidong karbono.

Isang halo ang lupa ng materyang organiko, mga mineral, mga gas, likido, at mga organismo na sama-samang sinusuporta ang buhay ng mga halaman at mga organismo panlupa.

Binbuo ang lupa ng yugtong solido ng mga mineral at materyang organiko (ang molde ng lupa), gayon din ang yugtong nagkakaroon na maraming maliliit na butas na nilalaman ang mga gas (ang atmosperang lupa) at tubig (ang solusyon ng lupa).[1][2] Alinsunod dito, may tatlong-estadong sistema ang lupa ng mga solido, likido at gas.[3] Produkto ang lupa ng ilang salik: ang impluwensya ng klima, kalatagang-lupa (elebasyon, oryentasyon, at dalisdis ng kalupaan), mga organismo, at ang mga magulang na materyal ng lupa (orihinal na mga mineral) na mayroong interaksyon sa paglipas ng panahon.[4] Patuloy itong sumasailalim ng pagbabago sa paraan ng maraming prosesong pisikal, kimikal at biyolohikal, na kinabibilangan ng meteorisasyon (o pagkadurog ng tubig dulot ng ulan o tubig) na may kaugnayan sa erosyon. Dahil sa pagiging kumplikado at malakas na panloob na koneksyon sa loob nito, kinikilala ng mga ekolohista ng lupa ang lupa bilang isang ekosistema.[5]

  1. Voroney, R. Paul; Heck, Richard J. (2007). "The soil habitat". Sa Paul, Eldor A. (pat.). Soil microbiology, ecology and biochemistry (sa wikang Ingles) (ika-3rd (na) edisyon). Amsterdam, the Netherlands: Elsevier. pp. 25–49. doi:10.1016/B978-0-08-047514-1.50006-8. ISBN 978-0-12-546807-7. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 10 Hulyo 2018. Nakuha noong 27 Marso 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Taylor, Sterling A.; Ashcroft, Gaylen L. (1972). Physical edaphology: the physics of irrigated and nonirrigated soils (sa wikang Ingles). San Francisco, California: W.H. Freeman. ISBN 978-0-7167-0818-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. McCarthy, David F. (2014). Essentials of soil mechanics and foundations: basic geotechnics (sa wikang Ingles) (ika-7 (na) edisyon). London, United Kingdom: Pearson. ISBN 9781292039398. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2022. Nakuha noong 27 Marso 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gilluly, James; Waters, Aaron Clement; Woodford, Alfred Oswald (1975). Principles of geology (sa wikang Ingles) (ika-4 (na) edisyon). San Francisco, California: W.H. Freeman. ISBN 978-0-7167-0269-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ponge, Jean-François (2015). "The soil as an ecosystem". Biology and Fertility of Soils (sa wikang Ingles). 51 (6): 645–648. Bibcode:2015BioFS..51..645P. doi:10.1007/s00374-015-1016-1. S2CID 18251180. Nakuha noong 3 Abril 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Lupa

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne