Lupang Hinirang

Lupang Hinirang
Ang nakasulat na musika ng "Lupang Hinirang".

Pambansang awit ng  Pilipinas
LirikoJosé Palma, 1899
("Filipinas")
MusikaJulián Felipe, 1898
Ginamit1899 (Kastila)
1963 (Tagalog)
Tunog
Lupang Hinirang

Ang "Lupang Hinirang" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Ipinagawa ni Emilio Aguinaldo ang himig nito sa kompositor na si Julian Felipe noong 1898 sa ilalim ng pamagat na "Marcha Filipina Magdalo" ('Martsang Pilipinong Mágdalo') at kalaunan "Marcha Nacional Filipina" ('Pambansang Martsa ng Pilipinas'). Samantala, ang kasalukuyang anyo ng awit ay ang salin sa wikang Tagalog ng tulang "Filipinas" ni José Palma noong 1899 sa orihinal na wikang Espanyol.

Unang narinig ang himig nito sa deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Kaharian ng Espanya noong ika-12 ng Hunyo 1898. Samantala, unang narinig naman ang awit na may titik ni Palma noong Agosto 1899, sa ilalim ng pamagat ng "Patria Adorada" ('Bayang Minamahal'). Ipinagbawal ang awit na ito noong panahon ng mga Amerikano, bagamat naging opisyal na awit ang salin sa Ingles nito noong panahong Komonwelt. Ang kasalukuyang salin nito sa wikang Filipino ay mula sa bersyon nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo noong dekada 1940s. Ang kanilang gawa ang naging pambansang awit ng Pilipinas simula noong 1948. Naging "Lupang Hinirang" ito noong 1956, sa panunungkulan ni Ramon Magsaysay.


Lupang Hinirang

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne