Ang magma ay halo ng tunaw na mga bato, elementong kemikal, at solidong nahahanap sa ilalim ng lupa. Inaasahang matatagpuan ang magma sa iba pang mga natitirahang planeta. Maliban sa tunaw na bato o molten rock, ang magma ay maaaring maglaman ng mga suspendidong krystal, natunaw na gas, at kung minsan mga bulang gas. Madalas naiipon ang magma sa loob ng bulkan kung saan maaari itong lumabas sa bulkan o tumigas sa loob at gumawa ng intrusyon. Kaya ng magmang sumingit sa mga batong malalapit (at gumawa ng mga dikeng maapoy at pasimano), umapaw papalabas ng bulkan bilang lava, at sumabog nang malakas bilang tephra o bumuo ng batong pyroclastic.
Isang komplikado at mainit na likido ang magma. Ang temperatura ng magma ay 700 °C hanggang 1300 °C o 1300 °F hanggang 2400 °F, ngunit may mga tunaw na carbonite na may temperaturang kasing-baba ng 600 °C at may mga komatiite melts na umaabot ang temperatura sa 1600 °C. Karamihan sa magma ay gawa sa silicate.
Ang katangian ng pagkabuo ng magma at ang komposisyon nito ay may pagkakapareho. Mabubuo ang magma sa mga sonang subduksyon, mga sona sa punit sa kontinente, mga tagaytay sa gitna ng karagatan, at mga hotspot. Miski natatagpuan ang magma sa mga malalawak na mga lugar, ang karamihan ng komposisyon ng lupa ay hindi tunaw. Maliban sa likidong panlabas na core ng daigdig, kinukuha ng mundo ang hugis na rheid o isang uri ng solidong maaring gumalaw o maiba ang anyo miski napupuwersa. Ang magma, bilang likido, ay nabubuo sa mga paligid kung saan matataas ang temperatura at sa mga kapaligiran na may mababang persyon na nahahanap ilang kilometro sa ilalim ng ibabaw ng mundo. Ang lathalaing ito na tungkol sa Heolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.