Makati ᜋᜃᜆᜒ Lungsod ng Makati | ||
---|---|---|
Panoramang urbano ng Makati | ||
| ||
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Makati | ||
Mga koordinado: 14°33′24″N 121°01′17″E / 14.5567°N 121.0214°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon (NCR) | |
Lalawigan | — | |
Distrito | Una hanggang pangalawang Distrito ng Makati | |
Mga barangay | 33 (alamin) | |
Pagkatatag | 4 Nobyembre 1670 | |
Ganap na Lungsod | 2 Enero 1995 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Mar-Len Abigail S. Binay-Campos | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Monique Q. Lagdameo | |
• Manghalalal | 458,362 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 21.57 km2 (8.33 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 629,616 | |
• Kapal | 29,000/km2 (76,000/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 186,381 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 0.6% (2023)[2] | |
• Kita | (2023) | |
• Aset | (2023) | |
• Pananagutan | (2023) | |
• Paggasta | (2023) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
PSGC | 137602000 | |
Kodigong pantawag | 02 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | makati.gov.ph |
Ang Makati, opisyal na Lungsod ng Makati, ay isang lungsod sa Pilipinas, at isa sa labing-anim na mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Ito ang sentro ng kalakalan, pananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang karamihan ng mga malalaking kompanyang banyaga pati na rin ang mga tanggapan ng mga malalaking lokal na korporasyon ng bansa.[3] Ang mga pangunahing mga bangko, korporasyon, pamilihan, at mga embahada ay matatagpuan din sa lungsod. Ang pinakamalaking tanggapan ng Philippine Stock Exchange ay matatagpuan sa Abenida Ayala.[4][5] Kilala rin ang Makati bilang isa sa mga pangunahing sentro ng kultura at libangan sa Kalakhang Maynila.[6]
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 629,616 sa may 186,381 na kabahayan. Ang ika-17 pinakamalaking lungsod ang Makati sa buong Pilipinas batay sa populasyon. Bagaman ang populasyon nito ay kalahating milyon lamang, ang populasyon nito tuwing araw ay tinatayang higit pa sa isang milyon dahil sa dami ng taong nagtutungo dito upang magtrabaho, mamili, o mangalakal. Ang trapiko ay malimit na inaasahan tuwing rush hour at panahon ng holiday.[7]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)