Sa matematika, ang makatwirang bilang o numerong rasyonal (Ingles:rational number) ay isang bilang na maisusulat bilang isang praksiyon (bahagimbilang o hatimbilang). Lahat ng rasyonal na bilang ay tunay na bilang, at maaaring positibong bilang o negatibo. Ang isang bilang na hindi makatwiran o rasyonal ay tinatawag na numerong irasyonal o di-makatwirang bilang. Karamihan sa mga bilang na kinakaharap ng mga tao sa pang-araw-araw na buhay ay rasyonal. Kasama rito ang mga praksiyon at mga intedyer o buumbilang.