Tungkol sa isa sa mga salansan ng interyor ng Daigdig ang artikulo na ito. Para sa konsepto ng mantel sa pamplanetang heolohiya, tingnan ang Mantel.
Ang mantel ng Daigdig ay isang salansan ng batong silikeyt sa pagitan ng balat ng daigdig at ng panlabas na kaibuturan nito. Ito ay may masang 4.01×1024 kg (8.84×1024 lb), na katumbas ng 67% ng masa ng buong Daigdig.[1] Ito ay may kapal na 2,900 kilometro (1,800 mi), at bumubuo sa halos 84% ng bolyum ng planeta.[2] Bagaman ito ay solido, dahan-dahan itong dumadaloy sa iskala ng heolohikal na oras, na tila isang napakalapot na likido, na may pagkakawangis sa makapal na arnibal.[3][4] Ang bahagyang pagkakatunaw nito ang pinagmumulan ng balat pandagat at balat na kontinental.[5]