Nangangailangan po ng karagdagang sanggunian ang talambuhay na ito para masiguro po ang katotohanan nito. (Mayo 2019)
Malaking tulong po kung mapapabuti niyo po ito sa pamamagitan po ng pagdagdag ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad pong tatanggalin ang mga impormasyong walang kaakibat na sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni, lalo na po kung mapanirang-puri po ito. Binigay na dahilan: wala |
Manuel Roxas II | |
---|---|
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal | |
Nasa puwesto 19 Setyembre 2012 – 14 Setyembre 2015 | |
Nakaraang sinundan | Paquito Ochoa, Jr. |
Sinundan ni | Mel Senen Sarmiento |
Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon | |
Nasa puwesto 4 Hulyo 2011 – 18 Oktubre 2012 | |
Nakaraang sinundan | Jose de Jesus |
Sinundan ni | Joseph Emilio Abaya |
Senador ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2004 – 30 Hunyo 2010 | |
Kalihim ng Kalakalan at Industriya | |
Nasa puwesto 2 Enero 2000 – 10 Disyembre 2003 | |
Nakaraang sinundan | Jose P. Pardo |
Sinundan ni | Cesar A.V. Purisima |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Unang Distrito ng Capiz | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 1992 – 2 Enero 2000 | |
Nakaraang sinundan | Gerardo A. Roxas, Jr. |
Sinundan ni | Rodriguez D. Dadivas |
Personal na detalye | |
Isinilang | Lungsod Quezon, Pilipinas | 13 Mayo 1957
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Liberal |
Asawa | Korina Sánchez (k. 2009) |
Tahanan | Roxas City, Capiz Makati |
Alma mater | Pamantasang Ateneo de Manila, University of Pennsylvania |
Trabaho | Ekonomista; Politiko |
Propesyon | Kalihim |
Websitio | www.marroxas.com |
Si Manuel "Mar" Araneta Roxas II (ipinanganak 13 Mayo 1957) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ang anak ng dating senador na si Gerry Roxas, at apo ng dating Pangulong Manuel Roxas. Siya ay tinaguriang Mr Palengke dahil sa kanyang mahusay na aksyon niya noong kalihim pa siya ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas.[1] Siya ay dating kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa ilalim ni Pangulong Benigno Aquino III. Siya ay isang kandidato para sa pagkabise presidente sa taong 2010 ngunit hindi nagwagi. Sa pangalawang pagkakataon, siya ay kumandidato para sa pagkapangulo sa taong 2016 na nagdala ng slogan na “Oras Na, Roxas Na!” ngunit hindi pinalad na muli.[2]
Sa kabila ng mga nagawa niya ay umani pa rin siya ng mga batikos mula sa mga netizen dahil sa kaniyang pagiging hunyango raw sa pakikitungo sa taumbayan. Binansagan siyang “epal”, isang kolokyal na katawagan dahil sa kaniyang pagiging mapapel. Ginampanan niya ang pagiging kargador, traffic enforcer, padyak drayber, anluwagi, bumbero at iba pa sa kaniyang pangangampanya na pinagmulan ng hindi magandang pagtingin ng madla.[3][4][5][6][7][8][9]
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)