Martin Lutero | |
---|---|
Ipinanganak | 10 Nobyembre 1483 Eisleben, Saxony, Banal na Imperyo Romano |
Namatay | 18 Pebrero 1546 Eisleben, Saxony, Banal na Imperyo Romano | (edad 62)
Okupasyon | Monghe, Pari, Teologo, Propesor |
Mga kilalang akda | Ang Siyamnapu't Limang Tesis, Ang Malaking Katesismo Ni Lutero, Ang Maliit na Katesismo ni Lutero, Sa Kalayaan ng Isang Kristyano |
Asawa | Katharina von Bora |
Mga anak | Hans (Johannes), Elisabeth, Magdalena, Martin, Paulo, Margarethe |
Mga impluwensiya | Pablo ang Apostól, Agustin ng Hippo |
Naimpluwnsiyahan | Felipe Melanchthon, Luteranismo, Juan Calvino, Karl Barth |
Signature | |
Si Martin Lutero ay isang Aleman na paring katoliko, propesor ng teolohiya at ikonikong pigura ng Repormang Protestante. Kanyang matinding tinutulan ang pag-aangkin ng Katolisismo na ang kalayaan mula sa parusa ng diyos sa kasalanan ay mabibili ng salapi. Kanyang kinompronta ang tagpagtinda ng indulhensiya na si Johann Tetzel sa kanyang Siyamnapu't Limang Tesis noong 1517. Ang kanyang pagtanggi sa pagbawi ng lahat ng kanyang mga ginawa sa kahilingan ni Papa Leo X noong 1520 at ng emperador ng Banal na Imperyo Romano na si Charles V sa Diet of Worms noong 1521 ay humantong sa kanyang pagkakatiwalag ng papa at kondemnasyon ng emperador bilang tagalabag ng batas.
Itinuro ni Luther na ang kaligtasan ay hindi makikita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ngunit matatanggap lamang bilang isang libreng kaloob mula sa biyaya ng diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Ang kanyang teolohiya ay humamon sa kapangyarihan ng papa ng Romano Katoliko sa pamamagitan ng pagtuturo na ang bibliya lamang ang tanging pinagmumulan ng inihayag ng diyos na kaalaman. Kanyang tinutulan ang kaparian ng Katoliko sa pamamagitan ng pagturing sa lahat ng bautisadong Kristiyano bilang banal na kaparian. Ang mga kumikilala sa katuruan ni Luther ay tinatawag na Lutheran.
Ang kanyang salin ng bibliya na tinatawag na Bibliyang Luther sa wikang pang-masa sa Wikang Aleman sa halip na sa Latin ay naging mas mababasa ng mga karaniwang tao na nagdulot ng matinding epekto sa simbahan at kulturang Aleman. Ito ay nagpalago ng pagkakabuo ng isang pamantayang salin ng wikang Aleman at nagdagdag ng ilang mga prinsipyo sa sining ng pagsasalin at nakaimpluwensiya sa pagsasalin ng bibliya sa Ingles na King James Version. Ang kanyang mga imno ay nakaimpluwensiya sa mga pag-awit sa simbahan. Ang kanyang pagpapakasal kay Katharian von Bora ay naglatag ng modelo para sa pagsasagawa ng pagpapakasal ng mga pari at pumayag sa mga protestanteng pari na magpapakasal.
Sa kanyang huling mga taon, habang nagdudusa ng ilang mga karamdaman at papabagsak na kalusugan, si Luther ay naging labis na antisemitiko at sumulat na ang bahay ng mga Hudyo ay dapat wasakin, ang mga sinagoga ng mga ito ay sunugin, ang mga salapi nito ay kompiskahin at alisan ng kalayaan. Ang mga pangungusap na ito ang nag-ambag sa kanyang katayuang kontrobersiyal.