Mecklemburgo-Kanlurang Pomerania

Mecklenburg-Vorpommern
Watawat ng Mecklenburg-Vorpommern
Watawat
Eskudo de armas ng Mecklenburg-Vorpommern
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 53°45′N 12°30′E / 53.75°N 12.5°E / 53.75; 12.5
Bansa Alemanya
LokasyonAlemanya
Itinatag3 Oktubre 1990
KabiseraSchwerin
Bahagi
Pamahalaan
 • Minister-President of Mecklenburg-VorpommernManuela Schwesig
Lawak
 • Kabuuan23,174.0 km2 (8,947.5 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2022)[1]
 • Kabuuan1,570,817
 • Kapal68/km2 (180/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Kodigo ng ISO 3166DE-MV
Websaythttps://www.regierung-mv.de/

Ang Mecklenburg-Vorpommern ([ˈmeːklənbʊʁk ˈfoːɐ̯pɔmɐn]; madalas Mecklenburg-West Pomerania sa Ingles[2][3] at karaniwang pinaikling na "Meck-Pomm" sa Aleman) ay isang pederal na estado sa hilagang Alemanya. Ang kabisera ng lungsod ay Schwerin. Ang estado ay nabuo sa nang pinagsabib ang mga dating rehiyon ng Mecklenburg at Western Pomerania pagkaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binuwag noong 1952 at binuo mula sa pahahon ng Pagkakaisa ng Alemanya noong 1990.

Ang Mecklenburg-Vorpommern ay ang ikaanim na pinakamalaking estadong Aleman ayon sa lawak, at pinakamababa ang kapal ng populasyon. Ang baybay-dagat nito sa Dagat Baltic, kabilang ang mga isla tulad ng Rügen at Usedom, pati na rin ang Mecklenburg Lake District, ay nagtatampok ng maraming holiday resort at magandang kapaligiran, dahil dito ang Mecklenburg-Vorpommern isa sa mga nangungunang destinasyon ng turista sa Alemanya. Tatlo sa labing-apat na pambansang parke ng Alemanya ay nasa Mecklenburg-Vorpommern, dagdag dito ang ilang daang nature conservation areas.

Ang mga pangunahing lungsod dito ay ang Rostock, Schwerin, Neubrandenburg, Stralsund, Greifswald, Wismar at Güstrow. Ang University of Rostock (est. 1419) at ang University of Greifswald (est. 1456) ay kabilang sa mga pinamatanda sa Europa. Ang Mecklenburg-Vorpommern ay ang pinagdausan ng 33rd G8 summit noong 2007.

  1. https://www.zensus2022.de/EN/Home/_node.html.
  2. merriam-webster.com/dictionary/Mecklenburg-West%20Pomerania
  3. britannica.com/place/Mecklenburg-West-Pomerania

Mecklemburgo-Kanlurang Pomerania

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne