Mga Saksi ni Jehova

Mga Saksi ni Jehova
Jehovah's Witnesses
International headquarters in Warwick, New York
Klasipikasyon Restorationist
(Christian primitivism)
Organizational structure Hierarchical
Lugar na sakop Worldwide
Lugar ng Pagtatag 1870s: Bible Student movement
1931: Jehovah's witnesses
Pennsylvania and New York, USA
Nanggaling sa Bible Student movement
Mga Simbahan 118,177
Bilang ng Kasapi 8.81 million
Opisyal na Websayt jw.org/en (English Website)

jw.org/tl (Tagalog Website)

Statistics from 2023 Yearbook of Jehovah's Witnesses

Ang mga Saksi ni Jehova o Jehovah's Witnesses ay isang milenyariyanong restorasyonistang denominasyong Kristiyano na may mga paniniwalang hindi Trinitariano.[1] Ang samahang ito ay nag-uulat ng pandaigdigang mga kasapi nang higit sa 8.8 milyon (2023) na nasasangkot sa ebanghelismo,[2] mga pagdalo sa kombensiyon nito nang higit sa 12 milyong at taunang mga pagdalo ng pag-alala sa kamatayan ni Hesus nang higit sa 20.08 milyon.[3][4] Sila ay pinangangasiwaan ng nangangasiwang katawan ng mga Saksi ni Jehova na isang pangkat ng mga nakatatanda sa Warwick, New York na gumagawa ng lahat ng mga doktrina at mga patakaran.[5][6][7] Ang kanilang sariling salin ng bibliya ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.[8][9][10][11] Naniniwala sila sa malapit na pagkawasak ng kasalukuyang sistema ng mundo sa Armageddon at ang pagtatatag ng kaharian ng Diyos sa mundo ang tanging solusyon sa lahat ng mga problemang kinakaharap ng sangkatauhan.[12]

Ang Saksi ni Jehova ay lumitaw mula sa Bible Student movement na pinangunahan ni Charles Taze Russell (1852–1916) noong mga 1870 sa pagkakabuo ng Zion's Watch Tower Tract Society na may malaking mga pagbabago sa doktrina at organisasyon sa ilalim ng pamumuno ni Joseph Franklin Rutherford.[13][14] Noon, tinatawag sila ng mga tao na Russellites o Rutherfordlites. Bilang pagtangging tawaging gayon, noong 1931, ipinakilala ni Joseph Franklin Rutherford ang kanilang bagong pangalan (mula sa dati nilang tawag sa kanila "Mga Estudyante ng Bibliya") na "Mga Saksi ni Jehova" (Jehovah's Witnesses sa ingles) batay na rin sa kanilang interpretasyon ng Aklat ni Isaias 43:10–12,[15]

Ang mga Saksi ni Jehova ay kilala sa kanilang pangangaral ng pinto-sa-pinto bilang pag-aalok ng libreng pag-aaral sa Bibliya at pamamahagi ng panitikan tulad ng mga magasing Ang Bantayan at Gumising!. Tumatanggi sila sa pakikilahok sa paglilingkod sa militar at pagsasalin ng dugo. Kanilang itinuturing ang paggamit ng pangalang Jehovah na mahalaga sa kanilang pagsamba. Kanilang itinatakwil ang doktrinang Trinidad, likas na imortalidad ng kaluluwa, walang hanggang kaparusahan sa impiyerno na kanilang itinuturing na hindi itinuturo ng Bibliya. Hindi nila ipinagdiriwang ang Pasko, Pasko ng Pagkabuhay-muli o ibang mga pista na kanilang itinuturing na may pinagmulang pagano at hindi naayon sa Kristiyanismo. Ang mga tagasunod ng Saksi ni Jehova ay tumuturing sa kanilang mga katawan ng paniniwala bilang "ang katotohanan" at tumuturing sa kanilang mga sarili na "nasa katotohanan".[16][17] Kanilang itinuturing ang sekular na lipunan bilang bulok o sira at nasa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Kanilang nililimitahan ang kanilang pakikisalamuha sa mga hindi-Saksi ni Jehova.[18] Ang mga aksiyon sa pagdidisiplina sa kongregasyon ay kinabibilangan ng disfellowshipping' na kanilang termino para sa pormal na pagtitiwalag at pag-iwas.[19] Ang mga bautisadong kasapi nito na pormal na umalis ay tinuturing nilang hindi na kaugnay. Ang mga tiniwalag na kasapi ay maaaring muling ibalik sa organisasyon kung tunay na nagsisisi.

Ang posisyon ng Saksi ni Jehova tungkol sa may konsiyensiyang pagtutol sa paglilingkod sa militar at pagtangging sumaludo sa mga pambansang watawat ay sanhi ng kanilang paninindigan na ang Diyos na Jehova lamang ang dapat na sundin bilang Soberanya ng sansinukob at Siya lamang ang makapagbibigay ng tunay na kaligtasan. Dahil dito, sila ay pinag-usig at ang kanilang mga gawain ay ipinagbawal o nililimatahan sa ilang mga bansa.

Maraming paniwala ang mga Saksi ni Jehova ay iba sa ibang Kristiyano. Halimbawa, ang impiyerno—Hades o She'ol—ay lugar para tulugan ng mga patay nang walang buhay at wala raw humihiwalay na kaluluwa. Naniniwa ang mga Saksi na 144,000 lamang ang mapupuntang Langit at bilang mga hari at saserdote at mamamahala sila sa "Kaharian ng Diyos" kasama ni Jesus sa lupa. Ang iba ay mamumuhay sa isang pisikal na paraiso dito sa mundo at magiging mamamayan ng Kaharian ng Diyos. Ayon sa kanila, bago dumating ang pangako ng Diyos na "Paraiso," aalisin ng Diyos ang lahat ng relihiyon sa lupa, at gagamitin ng Diyos ang gobyerno para alisin ng Diyos, ayon sa kanila, kapag nangyari ito, magsisimula ang malaking kapighatian na hindi pa nangyayari sa kasay-sayan. At pagkatapos, sa huling bahagi ng kapighatian, magaganap ang digmaan sa pagitan Diyos at ni Satanas ang digmaang "Armagedon." Naniniwala rin ang mga Saksi na nabuhay na sa langit si Jesus bago bumaba sa lupa ayon sa unang kabanata ng aklat ng Juan. Si Jesus ay nagkatawang-tao at muling nagkatawang-espiritu pagkatapos niya buhaying-muli. Ayon sa mga Saksi hindi pinako si Jesus sa krus, kundi kundi sa isa lamang estaka (Ingles: stake), tulos, o poste isang tuwid na poste. Ayon sa kanila, nagsimulang maghari si Jesus sa langit noong 1914 bilang pasimula umano ng mga "Huling Araw" Ayon sa Bibliya.

  1. Sources for descriptors: • Millenarian: Beckford, James A. (1975). The Trumpet of Prophecy: A Sociological Study of Jehovah's Witnesses. Oxford: Basil Blackwell. pp. 118–119, 151, 200–201. ISBN 0-631-16310-7. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) • Restorationist: Stark; Iannaccone, Laurence; atbp. (1997). "Why Jehovah's Witnesses Grow So Rapidly: A Theoretical Application". Journal of Contemporary Religion. 12 (2): 133–157. doi:10.1080/13537909708580796. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) • Christian: "Religious Tolerance.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2000-05-11. Nakuha noong 2013-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) "Statistics on Religion". • Denomination: "Jehovah's Witnesses at a Glance"."The American Heritage Dictionary"."Memorial and Museum AUSCHWITZ-BIRKENAU". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-26. Nakuha noong 2013-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Jehovah's Witnesses Official Media Web Site: Our History and Organization: Membership". Office of Public Information of Jehovah's Witnesses. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-22. Nakuha noong 2013-05-22. While other religious groups count their membership by occasional or annual attendance, this figure reflects only those who are actively involved in the public Bible educational work [of Jehovah's Witnesses].{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Guided by God's Spirit". Awake!: 32. Hunyo 2008. Nakuha noong 2012-06-16.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Statistics at Jehovah's Witnesses official website, 2010". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-04. Nakuha noong 2013-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Holden, Andrew (2002). Jehovah's Witnesses: Portrait of a Contemporary Religious Movement. Routledge. p. 22. ISBN 0-415-26609-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Beckford, James A. (1975). The Trumpet of Prophecy: A Sociological Study of Jehovah's Witnesses. Oxford: Basil Blackwell. pp. 221. ISBN 0-631-16310-7. Doctrine has always emanated from the Society's elite in Brooklyn and has never emerged from discussion among, or suggestion from, rank-and-file Witnesses. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Focus on the Goodness of Jehovah's Organization". The Watchtower: 20. Hulyo 15, 2006. Nakuha noong 2012-06-16.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Alan Rogerson (1969). Millions Now Living Will Never Die. Constable. pp. 70, 123. This was the Witnesses' own translation of the New Testament ... now that the Society has decreed that they should use the New World Translation of the Bible in preference other versions, they are convinced their translation is the best.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Tess Van Sommers, Religions in Australia, Rigby, Adelaide, 1966, page 92: "Since 1870, the Watch Tower Society has used more than seventy Bible translations. In 1961 the society released its own complete Bible in modern English, known as The New World Translation of the Holy Scriptures. This is now the preferred translation among English-speaking congregations."
  10. Edwards, Linda (2001). A Brief Guide to Beliefs. Louisville, Kentucky: Westminster John Knox Press. pp. 438. ISBN 0-664-22259-5. The Jehovah's Witnesses' interpretation of Christianity and their rejection of orthodoxy influenced them to produce their own translation of the Bible, The New World Translation.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Our Kingdom Ministry, November 1992, "When we read from our Bible, the householder may comment on the clarity of language used in the New World Translation. Or we may find that the householder shows interest in our message but does not have a Bible. In these cases we may describe the unique features of the Bible we use and the reasons why we prefer it to others."
  12. "Jehovah's Witness". Britannica Concise Encyclopedia. Encyclopædia Britannica, Inc. 2007. ISBN 978-1-59339-293-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Michael Hill, pat. (1972). "The Embryonic State of a Religious Sect's Development: The Jehovah's Witnesses". Sociological Yearbook of Religion in Britain (5): 11–12. Joseph Franklin Rutherford succeeded to Russell's position as President of Zion's Watch Tower Tract Society, but only at the expense of antagonizing a large proportion of the Watch Towers subscribers. Nevertheless, he persisted in moulding the Society to suit his own programme of activist evangelism under systematic central control, and he succeeded in creating the administrative structure of the present-day sect of Jehovah's Witnesses.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Leo P. Chall (1978). "Sociological Abstracts". Sociology of Religion. 26 (1–3): 193. Rutherford, through the Watch Tower Society, succeeded in changing all aspects of the sect from 1919 to 1932 and created Jehovah's Witnesses—a charismatic offshoot of the Bible student community.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Isaiah 43:10–12
  16. Holden, 2002 & Portrait, p. 64
  17. Singelenberg, Richard (1989). "It Separated the Wheat From the Chaff: The 1975 Prophecy and its Impact Among Dutch Jehovah's Witnesses". Sociological Analysis. 50 (Spring 1989): 23–40, footnote 8. 'The Truth' is Witnesses' jargon, meaning the Society's belief system.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Penton, M.J. (1997). Apocalypse Delayed: The Story of Jehovah's Witnesses. University of Toronto Press. pp. 280–283. ISBN 0-8020-7973-3. Most Witnesses tend to think of society outside their own community as decadent and corrupt ... This in turn means to Jehovah's Witnesses that they must keep themselves apart from Satan's "doomed system of things." Thus most tend to socialize largely, although not totally, within the Witness community. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |isbn13= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Chryssides, George D. (1999). Exploring New Religions. London: Continuum. p. 5. ISBN 0-8264-5959-5. The Jehovah's Witnesses are well known for their practice of 'disfellowshipping' wayward members.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Saksi ni Jehova

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne