Ang mga kalakhan o metropolitanong lungsod ng Italya (Italyano: città metropolitane d'Italia) ay mga pagkakahating pampangangasiwa ng Italya, na nagsisimula pa noong 2015, na isang natatanging uri ng lalawigan. Ang kalakhang lungsod, na binibigyang-kahulugan ng batas, ay kasama ang isang malaking pangunahing lungsod at ang mga mas maliit na nakapalibot na bayan na malapit na nauugnay rito hinggil sa mga gawaing pang-ekonomiya at mahahalagang serbisyo pampubliko, pati na rin sa mga kaugnayang pangkultura at mga salik sa teritoryo.