Malayo-Polinesyo | |
---|---|
Distribusyong heograpiko: | Timog-Silangang Asya at Pasipiko |
Klasipikasyong lingguwistiko: | Austronesian
|
Proto-wika: | Wikang Proto-Malayo-Polinesyo |
Mga subdibisyon: |
Mga Wikang Kanlurang Malayo-Polinesyo (geographical)
|
ISO 639-5: | poz |
Ang kanlurang ispero ng mga Wikang Malayo-Polinesyo.
ang pinaka-kanlurang Mga wikang Oceanic | |
Ang mga wikang Malayo-Polinesyo ay isang uri ng mga wikang Austronesyo, sa isang pag-uuri ng mga wikang pinaniniwalaang iisa ang pinagmulan. Ang mga wikang ito ay sinasalita sa mga kapuluang bansa sa timog-silangang Asia at sa Karagatang Pacifico. Ang ilan sa mga ito ay sinasalita rin sa bahagi ng malawak na lupalop ng Asia. Ang uring ito ng mga wika ay may umaabot sa 385.5 milyong mananalita sa kalahatan. Bahagi ng naturang uri ng wika ang lahat ng katutubong wika sa Pilipinas; sa makatuwid kabilang rin dito ang Tagalog at Cebuano.