Ang Noche Buena (Kastila: Noche Buena, literal na "mabuting gabi" o "magandang gabi"; Ingles: Christmas Eve)[1] ay ang paraan ng pagsasalu-salo ng mga pamilya na nagaganap tuwing bisperas o gabi[2] bago sumapit ang pinaka-araw ng Pasko (ang bisperas ng Pasko). Tuwing Notsebuwena, naghahanda ang mag-anak ng mga panghating-gabing pamahaw o pagkaing natatangi at madalas ihain tuwing may mga okasyon, kasama ang mga prutas na hugis bilog. Natatawag din ang Notsebuwena bilang Media noche (Kastila: Media Noche; Ingles: midnight repast)[1] na isinasagawa rin at mas ginagamit na pantawag sa tuwing magaganap ang Bisperas ng Bagong Taon.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 907 at 936.