Ang Original video animation (Hapones: オリジナル・ビデオ・アニメーション Hepburn: Orijinaru bideo animēshon, literal sa Tagalog bilang "orihinal na animasyong bidyo"), pinpaikli bilang OVA (オーブイエー / オーヴィーエー / オヴァ ōbuiē, ōvīē or ova) at minsan bilang OAV (original animated video), ay isang pelikula at seryeng animasyon mula sa bansang Hapon na espesyal na ginawa para sa home video (pantahanang bidyo) na mga pormat na walang pagpapalabas sa telebisyon o sa teatro, bagaman ang unang bahagi ng isang seryeng OVA ay maaring umere para sa layuning promosyunal. Orihinal na ginawa ang mga pamagat ng OVA sa VHS, tapos sa kalaunan, naging sikat sa LaserDisc at naging DVD sa kalaunan.[1] Simula noong 2008, ang katawagang OAD (original animation DVD)[2][3] ay simulang tumukoy sa mga pagpapalabas ng DVD kasama ang kanilang nailathalang manga na pinagmulan.